top of page
FRANKLY - ALFRED- 7-ANYOS KONG ANAK, NANGANIB, IPINAHIYA SA MARAMING TAO, NA-TRAUMA!_FB Al

Finals na ang target ng Tropa at Gin Kings

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 31, 2026



Justin Brownlee - PBA PH

Photo: PBA PH


Laro ngayong Linggo - Ynares Antipolo

5:15 PM ROS vs. Ginebra

7:30 PM TNT vs. Meralco


Puntirya ng defending champion TNT Tropang 5G at Barangay Ginebra na makamit ang mga upuan sa finals ng 2026 PBA Commissioner's Cup ngayong Linggo sa Ynares Center Antipolo. Subalit gagawin ng Meralco Bolts at Rain Or Shine Elasto Painters ang lahat para ipilit ang Game 7.


Sumandal ang Gin Kings sa husay ng buong laro nina Best Player RJ Abarrientos at Justin Brownlee upang ipitin ang ROS, 111-104, noong Biyernes sa Araneta Coliseum. Bago noon ay nanaig ang Tropa sa Bolts, 103-95.


Nagtapos si Brownlee na may 32 habang 31 si Abarrientos. Sumuporta si Troy Rosario na may 16.


Pumuntos sina Abarrientos at Ralph Cu upang itayo ang pinakamalaking lamang ng Ginebra, 101-83, at 4 na minuto sa orasan. Sinubukang humabol ang E-Painters sa pangunguna ni Jhonard Clarito pero kinapos sila at napigil ito ng mga napapanahong tira nina Abarrientos, Cu at Rosario.


Kahit hawak ang 3-2 bentahe, pinaalala ni Coach Tim Cone na hindi sila nakatitiyak. Ginamit niyang isang halimbawa ang huling Commissioner's Cup finals laban sa TNT kung saan yumuko sila sa Game 6 at 7.


Nanguna sa ROS si Adrian Nocum na may 25 subalit hindi na siya pumuntos sa huling quarter. Sumunod sina Jaylen Johnson na may 22 at Clarito na nagpasok ng 12 ng kanyang 20 sa huling quarter.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page