top of page
Search
  • BULGAR

Fire Prevention Month; modernisasyon ng BFP

ni Bong Go - @Bisyo Magserbisyo | March 5, 2021



Bawat taon, napapadalas ang sunog sa iba’t ibang parte ng bansa kapag tag-init. Kaya naman, itinalaga ang Marso bilang Fire Prevention Month upang mapaigting ang pagbibigay ng impormasyon sa mga Pilipino kung papaano makakaiwas sa ganitong trahedya.


Noong 2019 ay nai-file natin ang Senate Bill 204 na layuning i-modernisa ang Bureau of Fire Protection. Magandang balita na naipasa na ang panukalang ito sa Second Reading sa Senado noong Miyerkules. Umaasa tayong maisasabatas ito sa lalong madaling panahon.


Malaki ang maitutulong ng modernong kagamitan at kaalaman upang mas mapalakas ang kakayahan ng BFP. Mahalagang parte rin ng panukala ang pagpapalakas ng fire safety education kung saan maibabahagi sa mga komunidad kung ano ang dapat gawin para maiwasan ang sunog at iba pang trahedyang kaugnay dito.


Nabanggit din ng Pangulo na nais niyang bigyan ng armas ang mga bumbero upang maproteksiyunan ang sarili at makatulong din sa paglaban sa kriminalidad. Hindi lang naman sa sunog nakatutulong ang mga bumbero. Nagagamit din nila ang kanilang kaalaman upang makatulong sa kaayusan ng komunidad at pati na rin sa aspetong kalusugan lalo na’t may pandemya tayong hinaharap.


Mula February 27 hanggang March 4, ilang mga kababayan nating nasunugan, biktima ng iba pang unos, mga frontliners at vulnerable sectors ang inabutan natin ng ayuda at suporta.


Nag-abot tayo ng tulong sa 9 na pamilya o 40 katao na nasunugan sa Bgy. Balabag, Malay, Aklan nitong Lunes, March 1. Nasa 83 pamilya o 361 kataong nasunugan naman ang ating tinulungan sa Dela Cruz, Pasay City pagdating ng Martes, March 2 na aking personal na binisita. Samantala, 72 na pamilyang nasunugan din ang binigyan natin ng tulong sa Puerto Princesa City, Palawan nitong Miyerkules, March 3. Kahapon naman ay nag-abot ng tulong ang ating opisina sa 7 pamilyang nasunugan sa Lupon, Davao Oriental at 3 pamilya sa Caraga region.


May ilan din tayong mga kababayan na biktima ng samu’t saring kalamidad na ating tinulungan nitong linggo lamang. Noong Martes, March 2, umabot sa 2,838 na biktima ng flashflood sa Sto. Tomas, Davao del Norte at 748 biktima naman ng Bagyong Tisoy ang natulungan natin sa Bulan, Magallanes at Irosin sa Sorsogon. May 192 naman na katao sa Matnog at Sta. Magdalena, Sorsogon ang tinulungan natin pagdating ng Miyerkules, March 3. Nag-abot din kami ng tulong sa 112 pang biktima ng Bagyong Tisoy sa Castilla, Sorsogon kahapon.


Maliban sa mga biktima ng sunog at iba pang sakuna, batid natin na marami pa rin tayong mga kababayang nangangailangan ng dagdag na suporta. Dahil d’yan, nag-abot tayo ng tulong sa 1,358 na TODA at PUJ drivers sa Dagupan City, Pangasinan nitong February 26 at 27. Patuloy din ang pag-abot natin ng tulong sa 1,856 frontliners at iba pang empleyado ng Veterans Memorial Medical Center, Quezon City noong Lunes, March 1 hanggang noong Miyerkules, March 3. May 1,000 TODA members din ang ating binigyang-tulong sa Silang, Cavite noong March 3 sa ating personal na bisita roon. May 896 ring former rebels sa Impasug-ong, Bukidnon ang nakatanggap ng ayuda kahapon, March 4.


Sa Visayas, patuloy din ang pag-iikot ng ating staff upang tulungan ang iba’t ibang sektor doon. Nasa Bohol sila mula March 1-3 at umabot sa 998 na displaced workers at habal-habal drivers ang tinulungan sa Loay; 705 PWDs at displaced workers mula sa Corella; 545 displaced workers mula sa Balilihan; 1,019 displaced workers naman sa Alburquerque; 968 market vendors, PWDs at displaced workers sa Trinidad; at 585 na PWDs sa Tagbilaran City.


Samantala, binuksan na rin ang ika-102 na Malasakit Center sa bansa kahapon, March 4, sa Rafael Lazatin Memorial Medical Center sa Angeles City, Pampanga.


Magbayanihan tayo at patuloy na magmalasakit sa kapwa para sa ikabubuti ng bawat Pilipino! Anumang pagsubok ang darating, sama-sama nating malalampasan ito bilang nagkakaisa at mas matatag na bansa!

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page