top of page
Pokwang.jpg

Final answer: Paputok sa Metro Manila, bawal!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 22, 2020
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | December 22, 2020


Hindi kumpleto ang holiday season natin ‘pag walang paputok. Kaliwa’t kanang fireworks, kuwitis at kung anu-ano pa, na kinagigiliwang pagmasdan ng ating mga kababayan sa pagsalubong ng Pasko at Bagong Taon.


Pero ngayong taon, sa kauna-unahang pagkakataon, walang putukang magaganap sa National Capital Region (NCR) dahil nagkasundo ang Metro Manila mayors na ipagbawal ang lahat ng uri ng paputok ngayong holiday season.


Sa inilabas na resolusyonang Regional Peace and Order Council ng NCR, na binubuo ng metro mayors at mga opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan, inirerekomenda ang pagbabawal o ban sa paggamit ng kahit na anong paputok sa Metro Manila ngayong holiday season.


Gayunman, ang ipinasang resolusyon ay base sa pagtaas ng firecracker-related incidents sa 2019 holiday season at sa banta na rin ng COVID-19.


Matatandaang, ang Metro Manila ay nasa ilalim pa rin ng general community quarantine (GCQ) kaya inaasahan na ipatutupad ang ban ng mga lokal na pamahalaan sa NCR sa pamamagitan ng mga ordinansa.


Kung tutuusin, dapat lang na ipagbawal ito dahil ‘pag may nagpaputok, malamang na maglalabasan ang mga tao at ang ending, kumpul-kumpol.


Ngayon pa lang, malinaw na ang mga ipinagbabawal, kaya sana naman, pagdating ng Pasko at Bagong Taon, wala tayong mabalitaan na may naaksidente dahil sa paputok.

At kayo ring mga opisyal, ‘wag pasimuno. Baka kasi ang ending, paulit-ulit tayong nagbabawal, pero tayo rin pala ang nangunguna sa pagsuway.


Kaya paalala sa mga lokal na pamalaan, tiyakin na lahat ng mamamayan — may posisyon man sa gobyerno o ordinaryong tao — ay sumusunod at kung may mapatunayang lumabag, sampolan para madala at hindi tularan. ‘Pag sinabing bawal, bawal!


Tandaan na lahat ng ito ay ginagawa natin, hindi lang para mabawasan ang firecracker-related injuries kundi bilang pag-iingat na rin sa pandemya. Kaya utang na loob, matuto tayong makinig at ‘wag na tayong dumagdag sa pasaway.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page