top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Final answer… MATTEO: MY WIFE IS SEXY, NOT PREGGY

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 2, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | April 2, 2022




Mismong ang mister ni Sarah Geronimo na si Matteo Guidicelli ang nagsabing walang katotohanan ang tsikang buntis na ang kanyang wifey.


Sa kanyang post sa Instagram ay may caption na “My wife is sexy, not preggy.”


May mga larawan sina Matteo at Sarah na nakasakay sila sa kabayo at namamasyal sa isang farm na napapaligiran ng mga puno at halaman. Ito raw ang farm na bale regalo ni Matteo sa sarili nang magdiwang ng kanyang 32nd birthday last March 26.


Almost 10 hectares daw ang nasabing farm sa Laguna at dito gustong itayo ng mag-asawa ang kanilang rest house.


Tahimik ang kapaligiran na gusto nina Matteo at Sarah kaya tamang-tama sa kanila ang mamuhay sa farm.


May balita ring hindi tumitigil si Matteo sa panunuyo kay Mommy Divine upang mapatawad at matanggap na siya bilang kabiyak ni Sarah. Umaasa si Matteo na lalambot din ang puso ng biyenan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page