top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Filtered at may dagdag na rin daw… "HISTORY IS LIKE TSISMIS" — ELLA

BULGAR
Jul 3, 2022
3 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | July 3, 2022


Viral ang sinabi ni Ella Cruz na "History is like tsismis."


Sa virtual mediacon ng pelikulang Maid in Malacañang kung saan gaganap siya bilang si Irene Marcos Araneta na bunsong anak nina dating Presidente Ferdinand Marcos at Gng. Imelda Romualdez Marcos, nabanggit ni Ella na, “History is like tsismis. It is filtered and dagdag na rin, so hindi natin alam what is the real history. Nandu'n na 'yung idea, pero may mga bias talaga. As long as we are here at may kani-kanyang opinion, I respect everyone’s opinion.”


Ikukuwento kasi sa pelikula ang huling tatlong araw ng pamilya Marcos sa Malacañang na hindi nalaman ng publiko, na sabi nga ni Direk Darryl Yap, mga nawawalang piyesa na kailangang maisapubliko.


Sabi pa ni Ella, “Kasi struggling na, eh, last three days! Kahit naman sila, struggling even right now, 'di ba? So, paano kaya 'yun na there (was) so much pressure on their side during those times?”


Hirit naman ni Senadora Imee Marcos, “Sa isipan namin, for me at sa aking pamilya, panahon na para magkuwento rin kami kung ano'ng nangyari sa Malacañang, 'yung nalalaman namin. Hindi natin binabago ang katotohanan, dinadagdagan lamang ng kaalaman namin.


“Ito ay kuwento lamang na nalalaman namin from our point of view. Wala kaming binabago sa sinasabi nila. Inilalahad lang namin 'yung alam namin.


“We’re not revising anything. It’s totally inaccurate to say that. We’re simply explaining in this film, to some degree, kung ano 'yung mga pangyayari nu'ng huling tatlong araw.”


Anyway, mapapanood ang Maid in Malacañang sa katapusan ng Hulyo, 2022 at plano ito ng Viva bosses na ipalabas sa malaking screen.


Ang ibang kasama sa cast ay sina Ruffa Gutierrez bilang Imelda Marcos, Cesar Montano as Ferdinand, Sr., Diego Loyzaga sa papel na Ferdinand, Jr., Cristine Reyes sa karakter na Sen. Imee at ang tatlong kasambahay na bida sa Maid in Malacañang ay sina Karla Estrada, Beverly Salviejo at Elizabeth Oropesa.



ALFRED, NAIYAK SA PAGBABABU BILANG CONG.



Emosyonal si Alfred Vargas sa huling speech niya sa nakaraang State of the District Address (SODA) bilang representative ng ika-limang distrito ng Quezon City dahil ginunita niya ang mga achievements niya sa pagtatapos ng kanyang ikatlong termino.


Naikuwento ni Alfred na ngayon ay isa sa anim na nanalong konsehal sa kaparehong distrito na nang una niyang pinasok ang pulitika taong 2010 ay isinantabi muna niya ang kanyang showbiz career.


Aniya, “Maayos at very promising naman ang ating buhay noon sa pelikula at telebisyon.


Ngunit sa pinakamahirap na desisyon ng aking buhay noon, lahat ng ito ay ating tinalikuran dahil mas mahal natin ang ating bansa kaysa sa sarili at personal nating mga pangarap.”


Dagdag niya, mas pinili niya ang bayan bago sarili.


"Malinaw sa akin 'yan noon pa man. Kaya iniwan natin ang showbiz para sa paglilingkod sa kapwa. At dito nagsimulang mas maging makabuluhan ang aking buhay.”


Si Alfred ang principal author ng legislative breakthroughs such as the establishment of the Quezon City Persons with Disability Affairs Office (PDAO). Soon after, he was elected as the first Representative of the newly-created Fifth District, constituting 14 barangays in Novaliches.


Simula 2013 ay nakapag-file na siya ng 1,256 house bills and resolutions, eighty-seven sa mga ito ay pumasa na.


Ang iba pang achievements ni dating Congressman Vargas na ngayon ay konsehal na ay ginawaran siya ng Congressional Medal of Distinction at the adjournment of the 18th Congress.


“Sa kabila ng dami ng napagpunyagian natin sa Kongreso, kahit sandali ay hindi natin nagawang talikuran ang mga tungkulin para sa ating distrito,” sabi pa nito.


Nabanggit din nito ang Mula Sinapupunan Hanggang Himlayan (From Womb to Tomb) Program, which provides prenatal care, scholarship, livelihood, medical, and burial assistance for constituents.


Ang nasabing programa ay umabot sa 15,000 scholars, 25,000 livelihood assistance beneficiaries, and more than 30,000 individuals na nangailangan ng medical assistance.


At sa pagiging bahagi niya sa Quezon City Council ay ipagpapatuloy ng kapatid niyang si PM Vargas ang kanyang trabaho dahil ito ang humalili sa kanya bilang representante ng ika-limang distrito.


“Sa pagtatapos ng ating termino bilang kauna-unahang congressman ninyo, kampante ako na lalo nating patitibayin ang nabuo nating samahan. Nasa mabuting kamay ang ating distrito kay Congressman-elect PM Vargas," aniya.


Sa kanyang political career ay pinasalamatan niya ang lahat ng mga sumuporta sa kanya, mga kaibigan, katrabaho at siyempre, ang pamilya niya, ang asawang si Yasmine at ang mga anak nilang sina Alexandra, Aryana, at Cristiano.


“Sa harap ng buong distrito ngayon, gusto kong sabihin sa inyong lahat na si Yasmine ang isa sa mga haligi ng aking pagkatao at nagbigay sa akin ng lakas nitong buong 12 years para makapaglingkod nang tapat at masigasig sa inyong lahat.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page