top of page
SHEET - MGA ARTISTANG NAG-EENDORSO NG ONLINE GAMBLING, ‘DI NAGLALARO-IG _ogie_diaz.jpg

Filmfest, nilangaw… FANS NI RODERICK, NATUWA PANG LAGLAG SA MMFF ANG MOVIE NIYA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 11, 2022
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | January 11, 2022




Para sa mga fans at ilang kaibigan ni Roderick Paulate, blessing in disguise na hindi naipasok sa nakaraang MMFF 2021 ang pelikula niyang Mudrasta na produced ng T-Rex Entertainment Films.


Mahina pa rin ang naging pagtanggap ng mga moviegoers sa mga pelikulang kalahok sa filmfest dahil sa takot at pangamba sa COVID-19. At kahit nagbukas na ang mga sinehan, limitado pa rin ang kapasidad ng puwedeng manood at may health protocols pang pinaiiral.


Marami rin ang hindi kinakaya ang sobrang mahal na movie ticket.


Ang wish naman ni Roderick Paulate, mailabas at mapanood ang movie niyang Mudrasta kapag maluwag na ang lahat at handa na uling manood ng sine ang publiko.


Gusto niyang matawa at sumaya ang mga moviegoers upang kahit paano ay makalimutan ang stress na dulot ng COVID pandemic.


Sa ngayon ay abala si Roderick Paulate sa pagbibigay ng tulong sa ilang nangangailangan lalo na't may bago na namang variant, ang Omicron. Nami-miss ni Roderick ang dati niyang ginagawa bilang public servant. At gusto niyang pagsilbihan ang District 2 ng Kyusi.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page