Fil-Foreign players, daragsa sa PBA draft
ni Gerard Arce - @Sports | November 11, 2021

Inaasahang mas maraming Filipino-Foreign players ang papasok sa Philippine Basketball Association (PBA) draft sa 2022 kasunod ng pagluwag ng requirements para makapasok at makapaglaro sa liga.
Bukod sa pagkakaroon lang ng isang Philippine Passport para mapabilang sa PBA draft, inihayag ni PBA chairman at TNT Tropang Giga Governor Ricky Vargas na mas madaragdagan pa ang papasok na Fil-Foreigner sa isang koponan mula sa lima hanggang pito.
“We will basically look at Fil-Foreign as less stringent. As long as they have passport, less rules to disqualify them, increase the fil-foreign to 5 per team, to at least 7 Fil-Foreign. We will bring the world to PBA and try to balance it so were able to give jobs to our players na andito.
Looking for that in the next draft,” pahayag ni Vargas, Martes ng umaga, sa lingguhang online PSA Forum.
Paglilinaw niya, hindi na kakailanganin ang patunay mula sa Department of Justice (DOJ) at Bureau of Immigration certificates na nagpahirap sa ibang manlalaro na hindi nakapasa sa nagdaang 2020 PBA draft tulad nina nina Alab Pilipinas guard Jason Brickman, Jeremiah Grey at forward Brandon Ganuelas-Rosser.
May hinihingi ang PBA na 11 requirements sa mga aplikanteng Fil-Foreigners, na hindi na magiging pahirapan ang pagpapabalik-balik sa opisina ng BI at DOJ, lalo ngayong pandemic. Nakasaad umano sa Republic Act 9225 o Citizenship Retention and Re-Acquisition of 2003 na kinakailangang magsumite ng certificate of identification sakaling walang makuhang BI at DOJ confirmation.
“Basata may passport ka ng Pilipinas, pwede ka ng magpa-draft. Pwede ka ng maglaro sa PBA, gayundin ang nasa tamang edad na requirement,” saad ni PBA commissioner Willie Marcial sa forum. Ibinunyag ni Marcial na maaaring ganapin ang susunod na PBA draft sa Marso at inaasahang marami ang magpapasa ng aplikasyon.





Comments