top of page
Pokwang.jpg

Fil-Am Phillips III, abangan ang pagpasok sa team ng La Salle

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 25, 2020
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | November 25, 2020





Ibang klaseng mag-aaral ang papasok ngayon sa De La Salle University sa katauhan ni Benjamin Phillips III. Hindi lang isa kundi dalawang disiplina ang lalahukan ng 6’8” na binatang laking Amerika – Basketball at Volleyball.


Sa hirap makapasok sa mga paaralan sa UAAP, bihira ang makarinig ng atleta na maglalaro ng dalawang disiplina ng sabay. Kung susundan ang normal na kalendaryo ng liga, ang Basketball ay tuwing unang semestre habang ang Volleyball ay sa pangalawang semestre.


Summa Cum Laude siya sa Grade 12 noong 2017 sa Fairfield Senior High School sa Ohio din at maaga pa lang ay may mga naisip siyang pangarap para sa kolehiyo. Nandiyan ang paglaro ng Basketball para sa Massachusetts Institute of Technology o ang mag-aral maging abogado sa Georgetown University upang maging Pangulo ng U.S. balang araw subalit dinala siya ng tadhana sa Miami.


Makakasama ni Ben sa Green Archers ang kanyang nakakabatang kapatid na si Michael na 6’8” din at 18 anyos at pareho silang makakalaro ngayong parating na UAAP Season 83 kung saan host school din ang DLSU. Sila ay mga anak nina Benjamin Phillips Jr. at ang Filipina na si Dra. Sandra Phillips.


Ang magkapatid na Phillips ay bahagi ng malaking pulutong na papasok sa DLSU sa susunod na dalawang taon kasabay ng pagbabalik bilang head coach ni Coach Frederick Pumaren. Ilan sa mga nagbigay ng kanilang oo sa Green Archers ay sina Jonnel Policarpio ng Mapua University, Cyrus Austria ng University of the East, Emman Galman ng University of Perpetual Help System-Dalta, Kevin Quiambao ng National University, Warren Calara ng Technological Institute of the Philippines, Paul Turco ng Holy Cross of Davao College, Evan Nelle ng San Beda University, Mark Nonoy at Deo Cuajao ng University of Santo Tomas, Amadou N’diaye galing Senegal at mga laking ibang bansa na sina Kameron Vales at Jeromy Hughes.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page