top of page

Figure skater Martinez, coach ng PSU; Escollante at NYBL sa TOPS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 13, 2022
  • 1 min read

ni MC - @Sports | October 13, 2022



ree

Tila nag-eenjoy ngayon ang beterano ng Sochi Olympic Winter Games na si Michael Christian Martinez sa kanyang bagong tungkulin bilang coach ng mga bata at promising figure skaters sa ilalim ng Philippine Skating Union (PSU).


Matapos manatili sa US ng ilang taon, bumalik si Martinez sa bansa noong nakaraang linggo sa imbitasyon ni PSU president Nikki Cheng, na nag-alok sa atleta ng trabaho pagkatapos ng exodus ng PSU-accredited coaches sa ibang mga trabaho sa nakalipas na dalawang taon dahil sa mga lockdown na dulot ng pandemya ng COVID-19.


Napaka-short-handed namin, lalo na sa mga high level na coach, kaya napapanahon ang pagdating ni Michael para tulungan kami,” sabi ni Cheng, idinagdag na sinimulan ni Fernandez ang kanyang bagong coaching stint sa SM Megamall skating rink kasama ng mga skater sa developmental pool ng PSU .

ree

Samantala, usapang basketball at kayaking ang sentro ng talakayan sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes (Oct. 13) sa Behrouz Persian Cuisine sa Sct. Tobias, Brgy. Laging Handa, Quezon City.


Inaasahang magbibigay ng kanilang prediksyon, programa at kahandaan ang ilang mga coach ng mga kalahok na koponan sa ilulunsad na National Youth Basketball League (NYBL) Season tulad nina JC Docto ng Cavite, Raul Bicol ng Batangas, Mel Alas ng Quezon, Cindrey Balignasay ng Antipolo City, Pablo Lucas ng Laguna, Emerick Sajote ng Makati at Zia Dela Cruz Poquiz ng Marikina.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page