Fiancé, nag-post na ng 'wedding ring'… MAJA, IKAKASAL NA NGAYONG 2023
ni Nitz Miralles @Bida | January 7, 2023

Mukhang this year na ikakasal sina Rambo Nuñez at Maja Salvador dahil sa post ng una sa Instagram na “OUR 2023” kasunod ang emoji ng wedding ring.
May nabanggit pa itong last year na ng pagiging single niya. Hindi lang namin mahanap ang comment niyang ‘yun o baka dinelete.
Wedding ring pa lang ang ipinost ni Rambo, marami na ang nag-congratulate sa kanila ni Maja dahil kasalan na raw. May mga nagtanong din kung kailan ang kasal ng engaged couple na hindi nito sinagot.
Natatandaan namin, sa mediacon ng isang show ni Maja sa TV5, nabanggit na wala pa silang planong magpakasal ni Rambo, pero last year pa ‘yun. Nagbago na ang plano nila.
Nabanggit din nitong kahit magpakasal na sila ni Rambo, tuloy pa rin ang showbiz career niya, hindi raw siya pipigilan ng fiancé na ituloy ang kanyang showbiz career kahit mag-asawa na sila.
Mauuna yatang ikasal sina Maja at Rambo. Sumunod kaya ang friend ni Maja na si Maine Mendoza na sinasabing this 2023 din ang kasal kay Cong. Arjo Atayde?





Comments