FEU student daw… RICO, SPOTTED SA MALL NA MAY KA-DATE NA BYUTING GIRL NA NAKA-SHORTS
- BULGAR

- 7 hours ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | June 7, 2026

Photo: Circulated
Comment ng mga netizens, luma-love life na uli si Rico Blanco at dahil ito sa spotted siya sa isang mall na may kasamang girl.
Tinutukan ng camera si Rico at ang kasama, tinawag ang pangalan nito and in fairness, ngumiti si Rico at in-acknowledge ang tumawag sa kanya.
Hindi lang nakunan ang face ng girl na kasama ni Rico dahil natakpan ng singer at sa isa pang kuha, nakatalikod ito.
Pero kahit nakatalikod, feeling ng mga netizens ay maganda si girl dahil makinis ang skin at maganda ang buhok.
Saka, nasilip nang konti ang left side ng mukha nito at doon pa lang, nagandahan na ang mga netizens.
May mga pumuna naman sa OOTD ni girl na naka-shorts, bakit daw ganoon ang suot nito sa mall?
Hindi ba nagmo-mall ang mga nagtanong at pumuna? Ang daming naka-shorts sa mall dahil mainit sa bansa natin. Normal na suot ito ng mga kabataan at may mga adults nga rin na naka-shorts sa mall.
First time yata na makitang magkasama sina Rico at ang girl at dahil magkadikit silang naglalakad, “girlfriend ni Rico” na agad ang tawag sa girl.
Lalo na siguro kung holding hands ang dalawa o kaya ay nakaakbay si Rico sa girl.
Wala pang nakakaalam sa pangalan ng ka-date ni Rico, ang sabi lang, FEU student ito at taga-Bustos, Bulacan.
Hintayin natin at isa sa mga araw na ito, may magpapangalan din sa sinasabing GF ni Rico.
Maka-DDS daw… EDU AT GF, ININTERBYU SI CONG. BARZAGA, IN-UNFOLLOW NG NETIZENS
Isa-isang binabasa ni Edu Manzano ang mga comments sa Instagram post niya at sinasagot ang kailangang sagutin.
Kaya siguradong nabasa niya na may mga nag-unfollow sa kanya dahil in-interview niya sa podcast nila ng GF na si Ann Cuisia si expelled Cong. Kiko Barzaga.
guest yata ng BOSsES nina Edu at Ann si Kiko, na sabi ni Edu, ang podcast interview nila ay “Steady, insightful, inspirational and principled. Maraming salamat, Kiko. BTW, Maraming salamat din from the staff and crew for your patience and kindness.”
Sa mga nag-unfollow kay Edu, ang sagot ng isa nitong follower, hindi sila kawalan.
May mga nagpasalamat din na maririnig nila ang side ni Kiko at may mga requests for Edu to interview President Bongbong Marcos para fair.
May nag-akusa naman kay Edu na DDS na pala siya, kaya raw pala maka-DDS ang kanyang mga posts.
Kaya lang, minsan nang nilinaw ni Edu na wala siyang pinapanigan.
“I am not green, yellow, pink, purple, orange or whatever color people want to box me in. I am simply asking.”
MUSIC pala ang isa sa bonding time nina Sarah Lahbati at Ellen Adarna at sa reels na ipinost ng una, tumutugtog ng piano si Ellen at duet sila sa song na Somebody.
Sabi ni Sarah, “When @maria. elena.adarna invites you over for a catch-up and it somehow turns into an impromptu, zero-practice, no-rehearsals-whatsoever jam.”
Ang ganda ng comment sa post na ito ni Sarah. Hindi raw niya gusto dati ang dalawa, pero noong mag-fail ang marriage nina Sarah at Ellen at nagpaka-strong sila, naging fan na siya ng dalawa.
Isa pang comment, “Queens don’t need a man. They’re getting better and stronger on their on. Queens turn pain into power.”
Meron ding, “‘Pag mayayamang single mom, ganyan sila mag-catch-up, tamang piano. ‘Pag mahirap na single mom nag-catch-up, ang kaharap, kundi Red Horse, malamang Alfonso.”
Nakakatawa rin ang comment na, “Ganito sana tayo mag-catch-up, kaya lang, wala tayong piano.”
And speaking of Sarah, may iba itong Instagram posts na puro reels lang na kumakanta siya. May reels na songs ng Eraserheads ang kinanta niya at meron ding La Vien en Rose naman, na nagustuhan ng mga nakapanood ng video.
Payo nila rito, i-pursue ang singing dahil sayang ang ganda ng boses niya.





Comments