top of page
BIDA - AGOT KAY SEN. ROBIN SA HINA NG ULO MONG ‘YAN, SA TINGIN MO, MAUUTO MO KAMI-FB Agot

Fernandez at Paraase champ sa TPSK Fire Run 2026 16 KM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 hours ago
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 25, 2026



Hawak ang tropeo nina (kaliwa) 2nd place Carter Artiola,  Champion (gitna) Asia Paraase at 3rd place Melody Lantad sa 16KM Female Division ng Takbo Para sa Kalikasan Fire Run sa Quirino Grandstand kahapon.   													(Gen Villota)

Photo: Hawak ang tropeo nina (kaliwa) 2nd place Carter Artiola, Champion (gitna) Asia Paraase at 3rd place Melody Lantad sa 16KM Female Division ng Takbo Para sa Kalikasan Fire Run sa Quirino Grandstand kahapon. (Gen Villota)



Hinirang bilang kampeon sina Jay Fernandez at Asia Paraase sa matagumpay na pagtatapos ng Fire Run, ang una sa apat na yugto ng Takbo Para Sa Kalikasan 2026, kahapon sa Quirino Grandstand. Muling nagpakita ng pinag-isang suporta ang komunidad sa pangunahing fun run na sumusulong sa pag-alaga ng Inang Kalikasan hatid ng Green Media Events.


Umoras sa Fernandez sa tampok na karerang 16 kilometro o 10 milya ng 1:03:36 upang iwanan si Jaspher Delfino sa 1:04:11. Malayong pangatlo si John Gabriel Uy na 1:08:44.

Wagi sa kababaihan si Paraase sa 1:11:26. Matapos maging madalas na kampeon sa nakaraang mga taon ng TPSK, pangalawa lang ngayon si Melody Lantad sa 1:17:35.



Hawak ang tropeo nina (kaliwa) 2nd place Jasper Delfino, Champion Jay Fernandez (gitna) at 3rd place John Gabriel Uy sa 16km Male Division ng Takbo Para sa Kalikasan Fire Run sa Quirino Grandstand kahapon. (Gen Villota)

Hawak ang tropeo nina (kaliwa) 2nd place Jasper Delfino, Champion Jay Fernandez (gitna) at 3rd place John Gabriel Uy sa 16km Male Division ng Takbo Para sa Kalikasan Fire Run sa Quirino Grandstand kahapon. (Gen Villota)



Makapigil-hininga ang katapusan ng 10 kilometro at tatlong segundo lang ang naghiwalay sa kampeon na si Joepher Delfino (40:33) sa karibal na si Jave Flores (40:33). Pumangatlo si Sean Ken Garcia sa 41:51.


Umani ng parangal sa kababaihan si Carizza Joy Sotalbo (50:22). Sinamahan siya nina Alexandra Lee (54:46) at Issabela Castaneda (56:52).


Pinakamabilis sa limang kilometro sina King Agas, Renz Mirasol at Jayson Conde. Sina Elena Camu, Jhazelyn Lapuz at Kim Avid ang sa Women's. Bahagi ng nalikom na pondo ay mapupunta sa Million Trees Foundation. Ang susunod na yugto ay ang Water Run sa Hulyo 26.


Ang BULGAR ay opisyal na media partner sa serye. Ilang mga mapapalad na tumakbo ay tumanggap ng regalo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page