- BULGAR
FEMALE CELEB, BIGLANG-YABANG AT NAGKA-AMNESIA SA MGA EX-BFF NU'NG MAGKADATUNG NA
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | June 29, 2022
BLIND ITEM:
TAMPUNG-TAMPO ngayon ang ilang dating kaibigan ng isang female celebrity dahil bigla raw nagbago ang pag-uugali nito simula nang magkaroon ng career at yumaman.
Dati-rati ay super close siya sa mga dating kaibigan na nakasama niya noong siya ay walang-wala pa. Pero nang biglang sumikat sa showbiz ang isa niyang kaanak at naambunan si female celebrity ng konting suwerte, nagbago na ang kanyang mundo.
Halos hindi na niya naalalang tawagan at kumustahin ang mga dating kaibigan na naging karamay niya noong siya ay purdoy pang newcomer sa showbiz.
Ngayon ay ni hindi niya maimbita sa kanyang mansiyon ang mga dating kaibigan.
Dinededma-dedma na lang niya ang mga taong dati ay nagmalasakit sa kanya.
At dahil rich na nga ang female celebrity, wala na siyang panahon na dumamay at mag-share ng blessings sa mga kaibigang reporters na nakatulong sa kanyang career.