top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Feeling Superman daw... GARY V., DIABETIC NA, NAGKA-HEPA, TB, KIDNEY CANCER ETC., BUHAY PA RIN

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 20, 2022
2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | December 20, 2022




Maraming fans and supporters ni Gary V. ang labis na nag-alala nang mabasa ang kanyang post na humihingi ng dasal dahil sa kanyang pinagdaraanan sa kanyang kalusugan ngayon.


Marami ang nagpahatid ng dasal at moral support kay Mr. Pure Energy. Inakala ng lahat na mabigat at seryoso ang sakit ni Gary V. dahil sa pagbuhos ng mga mensahe sa social media. Lahat ay nag-alala para kay Gary V.


Agad namang nagpaliwanag si Angeli Pangilinan na hindi ganoon kalubha ang kalagayan ng kanyang mister na nasa USA ngayon. Nangyayari nga lang na bigla na lang nawawalan ng boses si Gary V. tulad din ng ibang singers/performers.


Nagpapaabot ng pasasalamat sa lahat sina Angeli at Gary V. sa mga nagdasal at nagpaabot ng moral support.


Maraming health issues si Gary V. bukod sa pagiging diabetic niya. Nagkaroon din pala siya ng hepatitis, tuberculosis, na-open heart surgery na rin, may kidney cancer at knee operation pa.


At noong 2021 ay nagka-dengue rin pala ang singer. Nadale rin siya ng COVID noong 2022.


Pero sa kanyang edad ngayon, suwerte pa rin si Gary V. na na-survive niya ang lahat ng sakit na kanyang pinagdaanan. Feeling Superman nga raw si Mr. Pure Energy dahil nagagawa pa niyang mag-bike ng 60 to 100 kilometers.


Payo naman ng ilang concerned citizens kay Gary V. ay maghinay-hinay na sa pagtanggap ng mga shows ngayon. He's not young anymore. At this point of his life and career, wala na siyang dapat na patunayan pa.


He's an icon in the music industry. May sarili na siyang pedestal. Malalaki na rin ang kanyang mga anak. Sarili na lamang niya ang dapat niyang alagaan upang ma-enjoy ang kanyang senior years.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page