top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Feeling mga bata raw... RHIAN AT SAM, NAG-A-UNFOLLOW SA ISA'T ISA 'PAG MAY LQ

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 30, 2022
  • 1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | December 30, 2022




Pina-follow na uli nina Rhian Ramos at Sam Verzosa ang isa’t isa sa Instagram at parang tama kami na nagkaroon lang ng tampuhan o lover’s quarrel ang dalawa at nag-unfollow-han sa IG. Naayos na siguro nila ang isyu sa kanilang pagitan, kaya pina-follow na nila uli ang isa’t isa.


Hindi nga lang natuwa ang mga netizens sa galawang teen-ager at high school nina Rhian at Sam.


Ang petty at childish daw ng kanilang ginawa at kapag nagkabati ay follow uli. May nag-comment pang immature ang dalawa at hindi na cute ang mga ganitong drama.


May mga natuwa rin naman na okay na sina Sam at Rhian dahil deserved daw ng Kapuso actress ang guy na makakapagbigay sa kanya ng stable relationship at naniniwala silang si Sam na ‘yun.


Sa mga nagsabi namang mas in-love si Sam kay Rhian, pareho lang daw ang dalawa. The fact na tinanggap ni Rhian si Sam na may apat nang anak sa unang karelasyon, ibig sabihin, mahal niya ito.


Ang wish na lang ng mga netizens at fans na rin ni Rhian, the next time na magkakaroon sila ng LQ, ‘wag nang mag-unfollow-han sa socmed. Hindi na raw bagay sa kanila.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page