top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Feeling jackpot sa tatay ng anak… ANGELICA, KAY GREGG NAHANAP ANG PAGMAMAHAL NG AMA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 19, 2023
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | June 19, 2023




Isang madamdaming pagbati ang ipinost ni Angelica Panganiban sa kanyang Instagram para kay Gregg Homan sa celebration ng Father’s Day kahapon, June 18. Si Gregg ang live-in partner at ama ng unica hija ng aktres na si Amila Sabine.


Ini-reveal ni Angelica sa kanyang mensahe for Gregg na matagal siyang naghanap ng pagmamahal ng isang ama.


Knows sa showbiz na lumaking walang ama si Angelica at tanging ang ina lang na si Annabelle Panganiban ang kanyang nakasama sa buhay. Hanggang sa na-meet na ng aktres ang kanyang Amerikanong ama na si Mark Charlson sa US.


Ipinost ni Angelica ang video na naglalaman ng mga sweet moments nina Gregg at Amila or Baby Bean na pet name nila for their firstborn.


Caption ni Angelica sa kanyang IG post: “Mula noon pa, kung saan-saan ako naghahanap ng ibig sabihin ng pagmamahal ng isang ama. Madalas napapanood ko lang sa mga pelikula, nababasa sa mga libro, o paminsan, nakikita ko sa mga kaibigan ko.


“Hindi ko akalain na magiging mapalad ako ngayon, na nakikita at nararamdaman ko na siya. Napakasuwerte ni Amila at ikaw ang una niyang pag-ibig, kalaro at dada.


“Maraming salamat sa pagganap nang buung-buo at higit pa. Mahal na mahal ka namin.


Happy Father's Day, Daddy @gregg_homan.”


Sa comment section ay naging emosyonal din si Gregg. Say pa nito, “How not to cry po?


You get me every time, Hon! Daddy loves you both so much.”


Dinagsa ng pagbati at naiyak sa mensahe ni Gregg ang mga followers ni Angelica sa Instagram including her co-celebs gaya nina Agot Isidro, Candy Pangilinan, Via Antonio at Janine Gutierrez.


“Shucks! Nakakaiyak, huhu! Happy Father’s Day!!”


“Nakakaiyak naman, Mami… Happy Father’s Day, Gregg!”


“Happy Father’s Day, Greggyyyy!”


“Happy Father's Day, @gregg _homan! You're doing a great job! Happy for Angel & Amila to have you!” ilan lang sa mga nabasa naming comments.


So, there.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page