Feeling jackpot, proud na proud sa GF… CARLOS KAY CHLOE: I LOVE YOU PO, SOBRA!
- BULGAR

- 7 days ago
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | March 23, 2026

Photo: Chloe San Jose at Carlos Edriel Yulo - Instagram
“I love you po, sobra,” ang pahayag ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo para sa kanyang dyowa na si Chloe San Jose.
Nagbahagi si Carlos sa kanyang Instagram (IG) post ng birthday wish para sa kanyang loving girlfriend.
Aniya, “Ang dami kong gusto sabihin pero puro pasasalamat at paghanga sa ‘yo ang lumalabas sa puso ko. ‘Di mo alam kung gaano ako ka-proud sa lahat ng ginagawa mo. Mapa-school o work, bukod pa ru’n sa suporta at effort na ibinibigay mo sa akin.
“Grabe! Ikaw ‘yung may birthday pero ako ‘yung niregaluhan ng big time ni Lord. Hehehe!
“Ang wish ko para sa ‘yo, pinakaminamahal ko ay maabot mo lahat ng pangarap at ninanais mo sa buhay. Palagi mong tatandaan na nandito lang ako, mahal ko, para samahan, ingatan, suportahan, at mahalin ka sa lahat ng ‘yun. I love you po sobra - Dada.”
Super lucky talaga si Chloe San Jose at bonggang pag-ibig ang alay sa kanya ni Carlos Yulo.
Anyway, happy birthday, Chloe!
Buking daw sa suot na singsing…
CARMINA: BAGONG BF NI CASSY, BIGLAAN LANG
KUWENTUHANG pampamilya ang naging ganap sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) nang mag-guest ang mag-asawang Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.
Sa panayam, napag-usapan ang napapabalitang boyfriend ng anak nilang si Cassy.
Tanong ni Boy Abunda, “Valentine’s Day, nag-post si Cassy. There was this guy, she was with a guy in a gray hoodie. Maraming nagsasabi, si Vince Maristela ba ‘yan? Maraming nagsasabi namang hindi. Sino s’ya? Tayu-tayo lang.”
Sagot ni Carmina, “Parang dapat si Cassy na lang ang tanungin n’yo, pero s’yempre, kilala namin kung sino ‘yan. Pero ano lang naman ‘yan, parang biglaan lang talaga. ‘Di naman talaga s’ya nakaplano.”
Saad naman ni Zoren, “Pero ‘yan, halata ko ‘yung kamay.”
Sagot ni Carmina, “O, ‘wag na nating sabihin. Alam naman nila dahil daw du’n sa singsing, kaya nila nabuking!”
Pabirong saad pa ni Zoren, “‘Yung kamay, makikita mo, mahilig mag-workout.”
Samantala, pinuri ni Boy sina Carmina at Zoren sa paraan ng pagpapalaki nila sa kanilang mga anak.
Saad ni Zoren, “Actually, dumating din sa point na ‘di sila nakikinig sa amin. May point na ganu’n, eh.”
Sabi ni Boy, “Palagay ko, natural sa journey nila, ‘di ba?”
Saad ni Zoren, “Yeah. At du’n ko na-realize na ‘di ko pala puwedeng kontrolin ‘to habambuhay. Dumating ‘yung chapter na you keep talking, you keep giving them advice, ‘di makikinig, at darating pala sa point na magigising sila mismo at sasabihin, ‘Tama pala kayo.’
“Hanggang ngayon, si Cassy, kakausapin pa rin ako. Pupunta ‘yan sa room ko o habang may lunch o sa dining table, apat na oras magsasalita kahit na late na ako sa meeting ko. Alam mo, Tito Boy, ‘yung nasa isip ko, if I stop this conversation, sabi ko, minsan lang ‘to, ‘di na ulit mauulit. I’d rather not miss this kaysa sa gym time ko.”
Sabi naman ni Carmina, “Ang maganda kasing iregalo, ‘yung time mo para sa mga anak mo.”
Saad pa ni Zoren, “Actually, si Maverick (Mavy), kakain ako, biglang may tubig na ganyan, inaabutan ako ni Maverick ng tubig kahit ‘di ako humihingi. Minsan, kakatok sa kuwarto ko, bibigyan ako ng sandwich.”
Talaga namang napalaki nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel ang kanilang mga anak nang maayos.
INILABAS na ng ABS-CBN ang official poster para sa inaabangang action-drama series na Blood vs. Duty (BVD) na malapit nang mapanood sa primetime.
Nagbigay-pasilip ang poster sa papel na gagampanan nina Richard Gutierrez, Bela Padilla at Gerald Anderson, kasama sina Baron Geisler at Barbie Imperial. Mula sa disenyo ni Justin Besana, ang poster ay patikim sa posibleng tunggalian sa pagitan ng mga aabangang karakter ng Kapamilya series.
Bago ang poster reveal, ipinasilip din ng JRB Creative Production ang teaser kung saan makikitang may dalang baril si Richard habang may hawak na kris si Gerald, hudyat ng kanilang magiging maaksiyong harapan sa serye. Inilabas din ang isa pang teaser tampok si Bela, kung saan maririnig ang nakakakilabot niyang linya, “They are being butchered and so severely outnumbered.” Samantala, maririnig naman ang putok ng baril at sirena ng kapulisan sa teaser ni Richard habang binabanggit ang linyang, “Bunga ito ng malawakang pagkalat ng mga baril sa bansa.”
Isa ang BVD sa mga bagong handog ng ABS-CBN ngayong taon mula sa direksiyon nina FM Reyes, Bjoy Balagtas, Rico Navarro, kasama ang action director na si Erwin Tagle. Unang inanunsiyo ito noong Enero 19, kasabay ng pasilip sa matinding training na pinagdaanan ng cast bilang paghahanda sa serye.
‘Yun lang, and I thank you.




Comments