Feeling big star, 'di naman ka-level ni Dingdong… MATTEO, MARAMING DEMANDS SA GMA-7
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | September 19, 2022

Mahirap nga bang kausap o makipag-deal kay Matteo Guidicelli kaya hanggang ngayon ay nakabitin at wala pang katiyakan kung matutuloy ang negotiation niya sa GMA Network?
Ito ang umiikot na usap-usapan ngayon, masyado raw maraming demands ang kampo ni Matteo at marami siyang hinihiling sa gusto niyang show, pero hindi agad-agad na maibibigay sa kanya ng GMA-7 dahil ang format ng show na gusto niya ay naibigay na sa isa ring malaking aktor.
Kaya ngayon ay wala pang kumpirmadong usapan tungkol sa project na gagawin ng mister ni Sarah Geronimo sa Kapuso Network.
Well, sa dami ng mga artistang gustong maging bahagi ng GMA Network, parang wala sa timing ang pagde-demand ni Matteo.
Sabi nga ng ilang netizens, hindi naman siya nasa level nina Dingdong Dantes, John Lloyd Cruz, Luis Manzano at Dennis Trillo para sugalan ng network.





Comments