Feeling bagets kahit 40-anyos na… ZANJOE, NAG-POST NA NG PICTURE NILA NI RIA, RELASYON CONFIRMED
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 8, 2022

Sa wakas, nag-post na rin si Zanjoe Marudo sa kanyang socmed account ng kuha nilang larawan ni Ria Atayde na silang dalawa lang ang magkasama.
Although, may group picture rin naman sila na kasama sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla at Joshua Garcia.
May netizen na nakapansin na nangingitim na raw si Zanjoe.
Sagot naman ng isa, "Kasi bilad sa araw dahil sa farm life na pinili niya. Important is he looks happy and achieved a lot. Isa pa, I still find him sexy with his last movie with Kylie (Verzosa)."
Komento naman ng isa pang netizen, "Feeling bagets si Z, 'di ba, 40 na siya? Ang babata ng mga kasama niya."
"I don't see any problem with that. Kahit mga bata ang mga kasama niya, matured naman silang mag-isip at matitinong tao. Wala sa edad, nasa pagkatao."
May nag-comment naman na kaya nag-post si Zanjoe ng picture nila ni Ria ay dahil napupuna raw ng marami na hinahayaan lang nila ang mga kaibigan nilang mag-post on their behalf.
Kaya ayan na, si Zanjoe na mismo ang nag-post para wala nang masabi ang mga Marites.
So, happy na kayo?!





Comments