February, 2021 pa engaged… VIN AT SOPHIE, UNANG SHOWBIZ COUPLE NA IKAKASAL SA 2023
- BULGAR
- Dec 6, 2022
- 1 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | December 6, 2022

Kinumpirma ng aming source ang nakatakdang kasalan nina Sophie Albert at Vin Abrenica sa year 2023.
Sinilip namin ang Instagram ni Sophie at doon namin nakita ang mga posts niya ng mga larawan nila ni Vin from their prenup shoot na ginawa sa Batangas.
Nakasuot ng white gown si Sophie at light brown suit naman ang outfit ni Vin habang nakasakay sila sa isang yacht sa sweet and romantic pictures nila na inilabas online.
Caption ni Sophie, “Happily ever after (anchor icon)."
Mukhang early this year na magaganap ang wedding nina Vin at Sophie. At malamang, sila rin ang unang celebrity couple na ikakasal next year.
In-announce nina Sophie at Vin ang kanilang engagement noong February, 2021. Pero ang actual proposal ni Vin ay nangyari habang ginagawa ni Sophie ang kanyang maternity shoot sa Batangas noong December 12, 2020.
Nagkakilala ang dalawa sa talent search ng TV5 na Artista Academy. Walong taon din silang naging mag-on bago humantong sa desisyong magpakasal na.
And last year, isinilang ni Sophie ang first baby nila na si Avianna Celeste.
Curious kaming malaman kung paano magkakaroon ng special participation ang bedridden na ama ni Sophie. For sure, sobrang emotional ng moment na ‘yun para kay Sophie.





Comments