top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

FC Iloilo, solo lider uli sa PFL 'di pinaporma ang Manila FC

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 24, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | October 24, 2022



Nakamit muli ng Kaya FC Iloilo ang solong liderato ng 2022-2023 Philippines Football League (PFL) hatid ng Qatar Airways matapos umulit sa Maharlika Manila FC, 4-1, noong Sabado sa PFF National Training Center sa Carmona, Cavite.


Nakatulong sa Kaya ang kasabay na 2-2 tabla ng defending champion United City FC at Azkals Development Team sa New Clark City Stadium sa Capas, Tarlac.


Sumandal ang Kaya sa mga goal nina Daizo Horikoshi (5’), Eric Giganto (35’) at Marco Casambre (43’) at komportableng lamang sa first half, 3-0. Nagbanta saglit ang Maharlika sa goal ni Spencer Galaza sa ika-79 minuto subalit ibinura ito agad ng pangalawang goal ni Giganto sa ika-88 minuto.


Umakyat ang Kaya sa 24 puntos mula sa walong panalo at dalawang talo. Nanatiling kulelat sa ilalim ng liga ang Maharlika na may isang puntos lang mula sa isang tabla at 10 talo.


Samantala, napilit ng bisitang Azkals tabla sa ang unang laro ng United City sa kanilang bagong tahanan. Hindi sumuko ang Azkals at bumanat ng dalawang goal sa second half at ilagay sa alanganin ang kampanya ng mga kampeon papalapit sa pagtatapos ng Round 2 ng apat na round ng pambansang liga.


Ipinasok ni kapitan Mark Hartmann ang bola sa ika-35 minuto at sinundan ito ng isa pa galing kay Curt Dizon sa ika-50 minuto subalit biglang nag-iba ang timpla ng laro.


Naisahan ni Dov Anthony Carino ang depensa upang tapyasan ang pagitan sa ika-58 minuto at sinundan ng drama.


Napatid ni goalkeeper Anthony Pinthus si Carino habang sumisipa ito patungo sa goal at agad ginawaran ang Azkals ng penalty. Walang kabang ipinasok ni Jacob Maniti ang sipa sa ika-79 minuto at ipantay ang iskor sabay kapit ang Azkals na sumunod na 10 minuto.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page