FB page niya, ini-report daw kaya na-hold ang monetization… JANUS, MAY PATUTSADANG “MALDITANG BAGONG KASAL” KAY CARLA
- BULGAR

- Jan 4
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | January 4, 2026

Photo: I FB Janus del Prado & Carla Angeline Reyes Abellana
Na-mass report ang Facebook (FB) page ng aktor na si Janus del Prado, kaya biglang na-hold ang monetization o ang kanyang pagkita ng pera sa socmed matapos siyang mag-comment sa wedding cake ng aktres na si Carla Abellana.
Sey kasi ni Janus, sisiw na lang ang kulang dahil mukhang kabaong ang white wedding cake ng aktres na ikinasal nu’ng December 27 kay Dr. Reginald Santos.
Kuda pa ni Janus, may isang ‘malditang bagong kasal’ na supposedly ay may kinalaman sa pagre-report sa kanyang FB page.
“Grabe! Maldita pala talaga ‘tong bagong kasal. Ipina-mass report ‘yung page ko, kaya ngayon naka-hold ang monetization,” ani Janus.
Dagdag pa niyang waring nagbababala, “To your new husband, ingat ka sa napili mo. Remember, she dragged all her exes’ names into the mud. ‘Wag kang magkakamali.”
Pakli pa ng aktor, “Hay! ‘Yun lang? Napikon ka na? Overreact much? Best wishes. Sana tumagal kayo kahit 6 months lang.”
Well, hindi man pinangalanan ng aktor ay gets na gets ng mga netizens kung sino ang tinutukoy niya. Wala pang pahayag ang bagong kasal na si Carla Abellana tungkol dito.
Kahit ‘di ang aktor ang tunay na ama…
ANAK NI KATHERINE, KAMUKHA NI COCO
DALAGA na ang anak ni Katherine Luna na si Nicole, na sinasabing anak noon ni Coco Martin.
Ipina-DNA noon ang bata at lumabas na negative ang resulta na anak siya ng aktor.
Humingi ng tawad si Katherine kay Coco at pinatawad naman siya nito. At dahil may mabuting kalooban si Coco, tumutulong pa rin siya sa dating aktres.
Katulad na lang kamakailan na ipinaopera niya ang mga mata ni Katherine.
Sey nga ng mga netizens…
Kaya bine-bless si Coco Martin, matulungin sa kapwa kahit ginawan pa s’ya ng ‘di maganda.”
“Nicole ang pangalan ng anak ni Katherine. Noon, pati si Nicole ay nahihiya kay Coco nang malaman na ‘di ito ang tunay niyang ama. Pero ngayon, okay na sila at dalaga na s’ya nang makita ulit ni Coco at niyakap agad s’ya.”
“Magkamukha man sila kahit hindi magkadugo, napamahal na kay Coco. Puwede pa rin namang maging ama kahit hindi magkadugo lalo kung napamahal na, since tinalikuran na ng tunay na ama. God bless you more, Coco Martin.”
“Galing si Coco sa hirap kaya madaling makaintindi sa mga taong nangangailangan. Hindi lahat ay ganu’n ang ugali lalo kung yumaman at sumikat. Kaya lalo s’yang pinagpapala.”
“Napakabait talaga ni Coco. Tinulungan n’ya sa operasyon (ng mata) si Katherine Luna. At saka si Nicole ay nasa Batang Quiapo na. God bless!”
“‘Yan ang magandang pag-uugali, bukal sa kalooban ang pagtulong.”
“Nu’ng nalaman ni Coco na ‘di pala n’ya anak, ipinagpatuloy pa rin n’ya ang pagsuporta hanggang 18 years old ang bata dahil napamahal na s’ya rito. At ngayon, tinulungan n’ya at ipinasok sa Batang Quiapo.”
The best ka talaga, Coco Martin!
SINALUBONG ni Kyline Alcantara ang 2026 with resilience at nagpasalamat sa pagwawakas ng 2025.
Pinagnilayan ng aktres kung paano siya nagpakita ng katatagan sa mga hamon noong nakaraang taon.
Ibinahagi niya ang isang larawan ng Kapuso Countdown 2026 to mark the New Year.
Ayon kay Kyline, handa na niyang harapin ang 2026 nang mas meaningful at naka-focus sa kanyang trabaho, at mas magiging stronger person siya sa taong ito.
Aniya sa kanyang Instagram (IG) Stories, “Grateful to be ending 2025 working and stepping into 2026 still doing what I am passionate about.”
Aniya pa, “Shaped me, challenged me, and revealed another level of resilience within me.”
Sa panghuli, ani Kyline Alcantara, “2026, I am not waiting for you to be easy. I am ready for you to be meaningful.”








Comments