Fast And Easy sa 3-YO nagpahanga sa Malvar
- BULGAR
- Apr 28, 2023
- 2 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | April 27, 2023
Pinahanga ni Fast And Easy ang mga karerista matapos siluin ang panalo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na nilarga noong Miyerkules ng gabi sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.
Nagwaging banderang tapos si Fast And Easy, umarangkada agad ito paglabas ng aparato upang magaan nitong nahawakan ang unahan.
Bahagyang lumapit ang mga nakatunggali ni Fast And Easy papasok ng huling kurbada pero nanatili ang tikas nito sa rektahan para tawirin ang meta ng may dalawang kabayo ang agwat sa pumangalawang si Gold Rush.
Ginabayan ni jockey Jegir Paano, inirehistro ni Fast And Easy ang tiyempong 1:14.4 sa 1,200 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si BV Tecson ang P20,000 added prize.
Terserong tumawid ng meta si Galactus habang pumang-apat si Strong As A Bull sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Samantala, nasiyahan naman ang mga karerista sa walong races na pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI). Tiyak na masisiyahan ang mga karerista sa lineup ng karera bukas at sa Linggo dahil may mga stakes races ang pakakawalan.
Mga mahuhusay na kabayo ang mga nagsaad ng pagsali sa 2023 PHILRACOM “Chairman’s Cup Divisions I, II, III.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 – Real Fair (7), Badboy MJ (5)
Race 2 – Double Rock (7), Pendant (4), Nevada Scout (2)
Race 3 – Golden Sunrise (3), Goldsmith (2), My Jopay (5)
Race 4 – Distorted Julliane (14), May Ten (1), Panday Pira (4), Golden Eight (3)
Race 5 – Rhaegal (6), Apollo (5), Chase The Gold (8)
Race 6 – Early Bird (1), Happy Maggie (5), Jambo (10), This Time (7)
Race 7 – Jannanigans (4), Noh Sen Young Yana (3), Arogante (11), Che Che (14)





Comments