FANS, TURNED-OFF KAY ALDEN SA PAG-AMING MINAHAL SI MAINE
ni Ambet Nabus @Let's See | October 16, 2023

"Sana nga ay makatulong," sey naman ng mga nagsasabing "turned-off" nga sila kay Alden Richards.
Sa gitna nga naman kasi ng promo ng movie nila ni Julia Montes ay biglang may rebelasyong lalabas tungkol sa naging feelings niya kay Maine Mendoza dati.
As in big turn-off naman talaga dahil parang nasasanay na itong si Alden na kada may bagong project o ginagawang show or what, lagi na lang may pasabog na unnecessary kumbaga.
Labs namin si Alden at lagi kaming sumusuporta sa mga projects niya, pero sa mga ganitong usapin, kahit kami ay na-turn-off.
'Di ba, mga Ka-Bulgar?





Comments