Fans todo-react… VIDEO NINA ANDREA AT ALDEN, VIRAL
- BULGAR
- Jul 29, 2022
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 29, 2022

MAy bagong uploaded TikTok video si Andrea Brillantes na mabilis nag-viral. Makikita sa video na kasama ng Kapamilya actress ang Kapuso actor na si Alden Richards.
Yes po, nag-collab in dancing ang dalawa to the tune of Left and Right dance challenge sa TikTok.
Sa Instagram ni Andrea (@blythe) naka-post ang nasabing video clip.
Si Charlie Puth ang kumanta ng Left and Right na featured si Jungkook ng BTS.
Hinangaan ng mga netizens ang kanilang very adorable dance kahit na short performance lang ito.
Ang daming nag-react sa posted TikTok ni Andrea. Halos lahat ay ina-admire ang pagsasayaw nila ni Alden.
"Nice one, parehong cute."
"Ay, ang cute-cute ni Sir Alden. Happy, oh! Hehehe galing talaga ni Baby Blythe, cute n'yong tingnan."
"Ang cute nila. Sana, bigyan ng movie ang dalawang 'to. Parang bagay."




Comments