Fans, todo-inggit sa aktres… ANNE, HOST SA FAN MEET NI GONG YOO SA ARANETA

ni Nitz Miralles @Bida | November 17, 2026

Photo: IG _annecurtissmith
Nakakatuwa ang mga comments sa balitang si Anne Curtis ang host sa The Long Take Asia Fan Meeting Tour ng South Korean superstar na si Gong Yoo. Dahil si Anne ang host, ibig sabihin, hindi lang niya makikita nang malapitan ang K-drama actor, makakausap pa niya ito.
Comment ni Karylle, “Kayanin mo, Anne. Ilabas na ang red scarf,” na sinundan ng comments na, “Wow, excited,” “OMG! Happy for Anne,” “You really made it happen,” “Ay, kabogggg! See you,” “This dream came true for Anne ‘yung makita si Kuya Kim. Oops! Ay, mali pala, si Gong Yoo a.k.a. (also known as) Goblin. Happy for you, Miss Anne,” “Grabe ka na, Anne,” at “Ma, isa na namang nakakainggit na achievement mo. I cannot imagine the excitement and kilig you are feeling now. Slay it! Make him fall in love with you.”
Gaganapin ang fan meet ni Gong Yoo sa November 21 sa Smart Araneta Coliseum.
Well, “I can’t wait” ang comment ni Anne sa mga nag-congratulate sa pagkakapili sa kanya to host the said fan meet.
Anyway, isa rin si Anne sa mga guests ng Cup of Joe (COJ) sa Symphony concert ng banda sa December 3 sa Smart Araneta Coliseum.
Ibig sabihin, babalik siya sa Big Dome next month. Hindi siya magho-host kundi kakanta. Ready na ang COJ kay Anne at ready na rin ang mga fans sa kanya. Masaya ito!
Kinakarir ang pagiging singer…
SARAH, TULOY NA ANG GIG SA BAR
MATUTULOY na bukas, Wednesday, November 18, ang gig ni Sarah Lahbati sa @78salcedo.
Days before the schedule, nagpraktis siya with the band.
Dapat noong November 11 ang gig ng aktres, pero hindi ito natuloy dahil nagkasakit siya. Pero bukas, matutuloy na.
Sa napanood naming reel, ang song ng Eraserheads na Ang Huling El Bimbo ang pinapraktis ni Sarah at maganda pala ang jazz version ng nasabing kanta. Ibig sabihin nito, hindi lang English songs ang kasama sa repertoire niya.
May dalawang sets ang gig ni Sarah kasama ang pianist na si RJ Pineda at iba pang band members. May mga nagsabing pupunta sila sa jazz joint para matiyempuhan ang rumored boyfriend ni Sarah, baka manood daw si Mikhail Schemm. Time na nilang makita siya in person.
MATAPOS umikot sa mga piling cinemas sa Metro Manila noong first two days ng showing ng kanilang pelikula, bumiyahe naman patungong Los Angeles (LA) sina Dingdong Dantes at Marian Rivera para dumalo sa screenings ng Remember. May meet-and-greet sessions din ang celebrity couple kasama ang kanilang mga moviegoers at fans.
Ayon kay Dingdong, ibang klaseng excitement ang kanilang nararamdaman sa bawat screening, lalo na sa pakikipagkita sa mga kababayan sa Amerika.
“Sana nga pati sa Canada, makarating kami. But for now, California muna kami,” sey ng aktor.
Samantala, pinanood din ng kanilang mga anak na sina Zia at Sixto ang pelikula sa Power Plant Mall sa Makati noong first day of screening.
Ikinuwento ni Marian ang sinabi ni Zia na, “It’s a very beautiful movie. Basta Mama, tiwala lang!”
Tinanong din daw ng anak kung totoo ang sakit nito na ipinakita sa pelikula, habang natatawang ikinuwento ni Marian na ginaya naman ni Sixto ang linya sa movie na, “Sino kayo? Nasaan ako?”
Sold-out ang November 15 screening ng Remember sa Huntington Beach, California, habang iilang tickets na lang ang natitira sa screening sa Los Angeles. Kaya naman, nagpapasalamat ang DongYan sa overwhelming support ng mga kababayan natin sa Amerika.
Samantala, kahit nasa ibang bansa, ginagawa pa rin ni Dingdong ang trabaho niya bilang chair ng AKTOR PH. Ipinost niya ang November 21 event na Lights, Camera, Aktor: Building The Actors’ Guild kung saan speakers sina Agot Isidro, Mylene Dizon, at Iza Calzado.





Comments