top of page

Fans, todo-abang… MAINE AT ARJO, 2 YRS. NANG KASAL, WALA PA RING BABY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 31, 2025
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | July 31, 2025



Photo: Arjo at Maine - IG



Nag-celebrate ng 2nd wedding anniversary sina Cong. Arjo Atayde at Maine Mendoza last July 28.


Matatandaang ginanap ang Christian wedding nila sa Baguio City two years ago.

Sa social media ng aktor-pulitiko ay may sweet post siya para sa kanyang misis kasama ang mga pictures nila.


Aniya, "To my life… Happy Second Anniversary, ba. I love you.”


Ang daming nagpadala ng love emojis sa affectionate message ni Cong. Arjo kay Maine. 

Samantala, hanggang ngayon ay marami pa ring nag-aabang kung kelan darating ang first baby nina Maine at Cong. Arjo.



PINABULAANAN ni Nadine Lustre ang lumabas sa isang FB page na nagsabing gumagamit umano siya ng “Mirror Method”. 


Ayon sa lumabas na statement umano ni Nadine, “I started using the ‘Mirror Method’. ‘Di ka nila binati nu’ng birthday mo? Don’t greet them also. ‘Di ka nila inaya sa gala, ‘wag mo din silang yayain. ‘Di ka nila chine-check? STOP checking on them too. Just give them the same energy they’re giving to you. Trust me, life feels light when you do this.”


Ini-repost ni Nadine ang nasabing statement para iklaro na wala siyang sinabing ganito.


“Parang ‘di ko naman po sinabi ‘yan…” aniya.


Dagdag pa niya, “Baka sa Q4, buntis na naman ako, ha?”

Ang alam din daw niya sa Mirror Mirror ay title ng kanta ng M2M.


Samantala, may another entry para sa Metro Manila Film Festival this year ang aktres with Unkabogable Star Vice Ganda. 



IBINULGAR ni Daniel Padilla na may gagawin siyang rom-com project. 

Alam naman nating love ng mga moviegoers ang rom-com movies lalo na kung ang bida ay ang kanilang mga idols. 


Sa parte ni DJ, bihasa na siya sa rom-com movies tulad ng mga ginawa nila noon ni Kathryn Bernardo.


Sabi nga niya, “I’ve had my share…”


After nilang mag-break ni Kathryn, unang teleserye na ginawa ni Daniel na hindi rom-com ang Incognito.


This is an action series that earned him the Outstanding Asian Star award at the 2025 Seoul International Drama Awards.


Aniya, nag-enjoy naman siya sa paggawa ng action series, pero gusto pa rin niyang gumawa ng rom-com sa big screen.


Na-miss na raw niyang gumawa ng movies. 


Aniya, “Very soon. May iniluluto ako after Incognito. Miss na miss ko na gumawa ng pelikula. Masaya ang series pero my heart, nasa pelikula.”


Dagdag pa niya, “Kung maganda naman (rom-com) at sobra akong nagandahan, why not? I love that genre.


“Pero magkakaroon na ng meeting. Very soon, malalaman kung ano ang project, kung ano’ng magandang gawin para sa ‘kin.”


Sino naman kaya ang magiging leading lady ni Daniel kapalit ni Kathryn Bernardo?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page