top of page
Search
  • BULGAR

Fans, pumalag... KIM, ‘DI PINALAD KAY XIAN, SA MAY ANAK NA SI PAULO ANG BAGSAK

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | March 15, 2024



Bilib naman kami kay Kim Chiu ‘coz may dalawa siyang grupo ng fans — isang KimXi (Kim Chiu-Xian Lim) at isang KimPau (Kim-Paulo Avelino), plus sarili niyang fans.


Du’n sa mediacon ng What's Wrong With Secretary Kim ay saglit kaming nagpunta ng aking anak na si Lady Camille sa CR at inabutan namin ang dalawang pares ng girlash na tipong nagsasagutan.


‘Yung isang pares, maka-KimXi, ‘yung isa naman ay maka-KimPau.


Sey ng isang girl na tipong belong sa KimXi fanatics, “At least si Xian Lim, wala pang anak. Eh, si Paulo Avelino, may anak na kay LJ Reyes na naanakan din ni Paolo Contis. Pero USA-based na yata ngayon si LJ dala ang kanyang dalawang anak. Ewan lang kung may communication pa siya kina Paulo Avelino at Paolo Contis regarding sa sustento para sa kanilang mga anak.”


Sagot naman ng isang KimPau fan, “Naku, wala na tayong pakialam du’n. Ang importante, ‘yung ngayon. Kung sina Kim at Paulo ang meant to each other ngayon, let them be. Kasi si Xian, meron na raw bagong girlfriend na isang film producer pa named Iris Lee. So accept things and people as they are.”


Kunsabagay, may point siya, ha, in pernes.


“Siguro nga, talagang ganu’n ang kapalaran, mapagbiro kung minsan. Pero sa huli, ibibigay din ang happiness na para sa iyo tulad ni LJ na kasal na sa negosyanteng si Philip Evangelista,” ang may konek na sey ni Donya Lolit Solis sa nabasa naming report niya sa ibang tabloid.


Well, kani-kanyang katwiran, ‘ika nga. At kani-kanyang happiness in life, boom, ‘yun na!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page