Fans, pumalag… DOMINIC, TODO-BAKOD KAY KATHRYN HABANG BUSY SI ALDEN

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 5, 2024

Maraming fans nina Alden Richards at Kathryn Bernardo ang nakakapansin sa napapadalas na bonding ngayon nina Kathryn at Dominic Roque.
Sinusundo ng aktor si Kathryn kapag ito ay nagdyi-gym at sabay din silang nagpupunta sa Aivee Clinic upang magpa-facial.
Well, hindi ito maitatago dahil sa ipino-post nila sa social media. Para sa kanilang mga kaibigan ay wala namang malisya kung madalas na magkasama ngayon sina Kathryn at
Dominic. Long time friend naman sila at bale kapatid ang turing ni Dominic kay Kath.
Dinadamayan lang daw ng aktres ang aktor dahil brokenhearted ito ngayon.
Pero iba ang reaction ng mga fans ng KathDen love team sa napapadalas na bonding nina Kathryn at Dominic. Dahil ba busy ngayon si Alden Richards sa kanyang mga shows abroad ay sasamantalahin na ni Dominic ang pagkakataon na ma-solo niya ang aktres?
Well, binabantayan nga ng mga KathDen fans ang mga kilos at galawan ngayon ni Dominic Roque. Hindi sila makakapayag na madiskaril ang KathDen love team at makasingit ang aktor.
BALITANG-BALITA na nililigawan daw ni Willie Revillame ang anak nina Richard “Goma” Gomez at Lucy Torres na si Juliana upang maging co-host niya sa programang Wil To Win.
Ito ay sa kabila ng walo na ang napiling Win Girls ni Kuya Wil na magiging co-host niya sa show na malapit nang mapanood sa TV5. Eere na ito sa July 15, 5 PM.
Nang ipaalam nga ni Willie kay Goma ang kanyang offer for Juliana, sinabi ng aktor na ang kanyang anak na ang kausapin dahil ito ang magdedesisyon.
Ganito rin ang naging pahayag ni Lucy, si Juliana raw ang magdedesisyon kung gusto niyang tanggapin ang alok na maging co-host sa Wil To Win.
Hindi raw sila nakikialam sa desisyon ng kanilang anak pagdating sa trabaho at career.
For sure, malaki ang talent fee na ibibigay ni Willie Revillame kay Juliana Gomez sakaling pumayag itong maging co-host niya.
AYON sa mga viewers, impressive ang acting ni Carla Abellana sa Widows’ War. Talagang nakipagsabayan siya kay Bea Alonzo at hindi siya nasapawan sa kanilang mga eksena.
Ibang-iba raw ang atake ni Carla sa kanyang role bilang si George, sobrang intense ang kanyang acting.
In fact, mas magaling ang acting ni Carla sa Widows’ War kumpara sa kanyang role noon sa My Husband’s Lover.
Malakas din ang naging impact niya rito at napansin ng mga viewers. Nakita kasi ni Carla kung gaano ka-dedicated at passionate si Bea sa kanyang pagganap sa role na
ibinigay sa kanya. Matindi ang kanilang confrontation scene na umabot na sa sampalan at sakitan. Mistulang eksena sa isang malaking pelikula.





Comments