Fans ni Alden, todo-palag... RURU, TINAWAG NA "NEW KING OF GMA7"
ni Nitz Miralles @Bida | January 19, 2023

Ipinakilala na ang buong cast na bubuo sa romance-drama-fantasy na The Write One sa ginanap na story conference. Sinimulan sa dasal ang storycon ng series na ididirehe ni King Mark Baco. First partnership deal ito ng GMA Network at Viu Philippines.
First series ito ng real-life couple na sina Ruru Madrid at Bianca Umali. Ayon nga kay Bianca, hindi raw siya sanay na sabay silang nagtatrabaho ni Ruru. Nabanggit din ni Bianca na honored siya na pinili sila ng GMA at mga taga-Viu for the series.
Pangako naman ni Paul Salas, gagalingan nila ni Mikee Quintos ang mga gagampanang role.
Ayon kay Mikee, something new for her ang kanyang role at naikuwento na nag-audition siya sa The Write One habang nagbabakasyon sa Europe with her family.
Kasama rin si Ramon Christopher na masayang makatrabaho uli ang former wife na si Lotlot de Leon. Super excited din si Lotlot sa project na isang lumang typewriter ang bibida.
Tampok din ang mahuhusay na sina Art Acuña, Royce Cabrera, Kokoy de Santos at Mon Confiado. Nasa cast din sina Alma Concepcion, Analyn Barro, Yvette Sanchez, Kaloy Tingcungco at Euwenn Mikael.
Dahil may bagong project, may mga tumatawag kay Ruru na “the new King of GMA” na inalmahan ng mga fans ni Alden Richards. Hindi pa raw mapapalitan ni Ruru si Alden.
Actually, walang dapat pag-awayan ang mga fans nina Ruru at Alden dahil magkaiba sila ng level at pareho silang Kapuso talents.





Comments