top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Fans ng aktres, kaya ‘di boto… DOMINIC, ‘DI BAGAY SA BYUTI AT LEVEL NI BEA

BULGAR
Jul 4, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | July 4, 2022




Kung marami sa mga kaibigan ni Bea Alonzo ang natutuwa at pabor sa kanilang relasyon ni Dominic Roque, may mga solid Bea Alonzo fans namang nag-react at hindi pa matanggap si Dominic bilang boyfriend ng kanilang iniidolong aktres. Ayaw nilang kay Dominic lang mapupunta si Bea. Deserve raw ng aktres ang isang lalaking may katangiang papantay sa level ng kanyang kasikatan.


Ilang fans din ang nagsabing hindi bagay sina Bea at Dominic dahil hindi gaanong guwapo at ordinary looking lang ang aktor. Alangan siya sa kagandahan ni Bea Alonzo.


May ilang fans din ang nag-comment na mukhang suplado at salbahe si Dominic Roque at gagamitin lang nito si Bea upang mapansin at magkaroon ng career.


Well, todo-depensa naman ang mga BeaDom fans. Hindi raw si Dominic ang klase ng lalaking manggagamit ng sinuman para lang magka-career. Si Dominic ay isang successful businessman at may sariling diskarte sa buhay at pinatunayan naman niya kay Bea na sincere siya sa kanyang intensiyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page