top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Fans ng aktor, pinersonal daw siya… VLOGGER NA BUMANAT KAY COCO, NALUGI SA NEGOSYONG BUBUKSAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 27, 2023
  • 1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | March 27, 2023




Naglabas ng saloobin ang vlogger na si Rendon Labador matapos na walang bumili ng tiket sa bagong negosyo na bubuksan nito.


Si Labador ang vlogger na matatandaang pumuna kay Coco Martin at sa Batang Quiapo series nito kung saan aniya, nagrereklamo na ang mga tindero sa Quiapo dahil naaabala ng taping ng serye ni Coco.


Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ni Labador na gumastos siya ng P1.4 M para sa kanyang event at P800K naman daw para sa fine dining.


Bukod pa rito ay umabot din daw sa P400,000 ang ginastos niya para sa mga mamahaling drinks.


Ang sinisisi niya ngayon ay ang mga fans ni Coco Martin. Aniya, pinersonal daw siya ng mga ito matapos niyang punahin si Coco kamakailan.


Ayon kay Rendon, nasayang lang ang ginastos niya para sa negosyong bubuksan.


Aniya, "Pinersonal na ako ng Coco fans."


Nagpaliwanag siya sa kanyang post at sinabing ipinaglaban lang naman daw niya ang karapatan ng mga negosyante.


"Ipinaglalaban ko lang naman ang karapatan ng mga negosyante. Parang ako pa 'yung naging masama. Ano na'ng nangyayari sa Pilipinas?"


Sey naman ng mga netizens, nagpapapansin lang si Labador kay Coco para mapasama sa FPJ's Batang Quiapo.


Aba, may sagot dito ang vlogger. Aniya, kung gusto ni Coco na kunin siya para maging bahagi ng palabas, kailangan daw mag-book ang aktor ng appointment.


May ganu'n?!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page