Fans, kaya binibitin… JESSY AT LUIS, SA YOUTUBE VLOG UNANG IPAPAKITA ANG ANAK
- BULGAR
- Jan 12, 2023
- 1 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | January 12, 2023

Ipinasilip na ni Jessy Mendiola ang firstborn nila ni Luis Manzano na si Isabella Rose sa kanyang Instagram last January 9.
Ipinost ni Jessy ang short video clip ni Baby Rosie, na tinawag din nila as “Peanut”, habang nasa sinapupunan pa ng misis ni Luis at maging nu'ng balot na balot ng customized blanket habang nakahiga sa wooden crib sa loob ng kanyang nursery room.
Nu'ng first time nag-post si Jessy ng picture ni Baby Rosie, kita lang ang mga daliri nito.
But now, kapiraso ng kalahating pisngi ng baby ay ipinakita na rin.
Sadyang binibitin-bitin pa ni Jessy ang pagpapakita niya ng mukha ng kanilang baby ni Luis.
Siyempre, iba-vlog pa ni Jessy ang hitsura ni Baby Rosie sa kanyang YouTube channel.
Sa YT channel ni Jessy dapat ang first appearance ni Baby Rosie, kaya dedma lang siya kahit na panay ang kulit ng mga netizens sa comment section na ipakita na ang mukha ng bagets.
“Hi Jessy. When can we see the face of Isabella Rose? We are also excited to see her face as your followers. We are waiting this for a long time and can you please end the excitement...
Thanks.”
“Face revealed na po."
“Congratulations sa new parents. Reveal naman please, excited nang makita si Baby Rose.”





Comments