Fans, happy na umookey ang TV host… KRIS, TUMABA NA AT GUMANDA
- BULGAR
- 1 day ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | October 18, 2025

Photo: IG @krisaquino
Dinagsa ng mga likes and comments ang bagong larawang ibinahagi ni Kris Aquino sa Instagram (IG) kahapon.
Makikita sa litrato si Kris na nakahiga sa kama at tila may tinitingnan o pinapanood sa kanyang tablet.
Isang larawan lang ang ipinost niya at wala rin siyang inilagay na caption na ibang-iba sa mga dati niyang posts na maraming photos at may mahahabang caption. Pero wala mang detalyeng inilagay si Tetay, sapat na ito para maging happy ang kanyang mga fans na makita siyang muli.
Sa larawan kasi ay kitang-kita na medyo maganda ang hitsura ngayon ni Kris at tumaba nang kaunti ang kanyang pisngi.
Kaya naman, tuwang-tuwa ang mga netizens at mga supporters niya na makita siyang bumubuti ang kondisyon.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:
“It’s nice to see you looking better. Will continue praying for your divine healing.”
“You’re actually looking healthier.”
“Happy to see you, madam @krisaquino forever maganda! #Laban madam! Nandito po kaming patuloy na nagdarasal. My prayers for your continuous healing.”
“You’re getting well. God is good.”
“Thank God you are looking much better now, Ms. Krissy. Continuous healing po.”
More power and get well soon, Kris!
MASAYANG-MASAYA si Julie Anne San Jose sa kanyang latest achievements lately at ito ay ang pagkakapanalo ng Gemini as Best Theme Song or Title Theme at ng The Voice Kids (TVK) for Best Adaptation of an Existing Format (Non-Scripted) sa 2025 Asian Academy Creatives Award (AACA) na nakabase sa Singapore.
Ang Gemini ay theme song ng teleserye ni Julie Anne na Slay at siya rin mismo ang kumanta nito. Isa rin siya sa mga coaches ng The Voice Kids Philippines (TVKP) na kasalukuyang umeere.
Ayon sa Asia’s Limitless Star, isang malaking karangalan daw para sa kanya ang double victory na ito.
“Of course, I’m very happy and it’s such a great honor. Natutuwa ako kasi nare-recognize ang mga projects na ginagawa namin with GMA Network. I’m just very grateful to be part of those projects.
“Sobrang malaking pasasalamat po sa AACA for the recognition. I also want to dedicate it to my colleagues, hindi naman ito lahat mangyayari kung hindi rin po dahil sa buong production and to everyone who’s behind these projects,” sey ni Julie Anne sa panayam ng GMA-7.
Gaganapin ang awarding ng AACA 2025 sa December 4, 2025 sa Capitol Theatre in Singapore.
Sobrang proud si Julie Anne sa mga contestants ngayon ng TVKP dahil halos lahat daw ay magagaling.
“I can say na sobrang dami rin kasi talagang magagaling dito sa batch na ‘to for this year. Given na kasi ‘yung talent talaga nila and may skill sets na kasi sila and ‘yung meron na silang preparations na ginagawa even before pa talaga sila sumalang dito sa The Voice Kids,” aniya.
That’s why super excited na raw siya sa battle rounds na magaganap sa kompetisyon.
“It’s gonna be a great experience kasi halu-halo talagang emotions, may excitement, lungkot and at the same time, it’s also scary because as coaches we have to be careful of what we have to say to them.
“We have to be mindful kung ano ‘yung mga dapat sabihin at hindi dapat sabihin sa kanila. Kasi ‘pag bata, naa-absorb nila ang lahat and sobrang tumatatak sa kanila ‘yung mga sasabihin mo.
“As much as possible, we try to just keep it positive para sa kanila and we have to be strong,” sey ni Julie Anne.
Comments