top of page
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | October 18, 2025



IG @krisaquino

Photo: IG @krisaquino


Dinagsa ng mga likes and comments ang bagong larawang ibinahagi ni Kris Aquino sa Instagram (IG) kahapon.


Makikita sa litrato si Kris na nakahiga sa kama at tila may tinitingnan o pinapanood sa kanyang tablet.


Isang larawan lang ang ipinost niya at wala rin siyang inilagay na caption na ibang-iba sa mga dati niyang posts na maraming photos at may mahahabang caption. Pero wala mang detalyeng inilagay si Tetay, sapat na ito para maging happy ang kanyang mga fans na makita siyang muli.


Sa larawan kasi ay kitang-kita na medyo maganda ang hitsura ngayon ni Kris at tumaba nang kaunti ang kanyang pisngi.


Kaya naman, tuwang-tuwa ang mga netizens at mga supporters niya na makita siyang bumubuti ang kondisyon.


Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:


“It’s nice to see you looking better. Will continue praying for your divine healing.”

“You’re actually looking healthier.”


“Happy to see you, madam @krisaquino forever maganda! #Laban madam! Nandito po kaming patuloy na nagdarasal. My prayers for your continuous healing.”

“You’re getting well. God is good.”


“Thank God you are looking much better now, Ms. Krissy. Continuous healing po.”

More power and get well soon, Kris!



MASAYANG-MASAYA si Julie Anne San Jose sa kanyang latest achievements lately at ito ay ang pagkakapanalo ng Gemini as Best Theme Song or Title Theme at ng The Voice Kids (TVK) for Best Adaptation of an Existing Format (Non-Scripted) sa 2025 Asian Academy Creatives Award (AACA) na nakabase sa Singapore.


Ang Gemini ay theme song ng teleserye ni Julie Anne na Slay at siya rin mismo ang kumanta nito. Isa rin siya sa mga coaches ng The Voice Kids Philippines (TVKP) na kasalukuyang umeere.


Ayon sa Asia’s Limitless Star, isang malaking karangalan daw para sa kanya ang double victory na ito.


“Of course, I’m very happy and it’s such a great honor. Natutuwa ako kasi nare-recognize ang mga projects na ginagawa namin with GMA Network. I’m just very grateful to be part of those projects.

“Sobrang malaking pasasalamat po sa AACA for the recognition. I also want to dedicate it to my colleagues, hindi naman ito lahat mangyayari kung hindi rin po dahil sa buong production and to everyone who’s behind these projects,” sey ni Julie Anne sa panayam ng GMA-7.


Gaganapin ang awarding ng AACA 2025 sa December 4, 2025 sa Capitol Theatre in Singapore.


Sobrang proud si Julie Anne sa mga contestants ngayon ng TVKP dahil halos lahat daw ay magagaling.


“I can say na sobrang dami rin kasi talagang magagaling dito sa batch na ‘to for this year. Given na kasi ‘yung talent talaga nila and may skill sets na kasi sila and ‘yung meron na silang preparations na ginagawa even before pa talaga sila sumalang dito sa The Voice Kids,” aniya.


That’s why super excited na raw siya sa battle rounds na magaganap sa kompetisyon.

“It’s gonna be a great experience kasi halu-halo talagang emotions, may excitement, lungkot and at the same time, it’s also scary because as coaches we have to be careful of what we have to say to them.


“We have to be mindful kung ano ‘yung mga dapat sabihin at hindi dapat sabihin sa kanila. Kasi ‘pag bata, naa-absorb nila ang lahat and sobrang tumatatak sa kanila ‘yung mga sasabihin mo.


“As much as possible, we try to just keep it positive para sa kanila and we have to be strong,” sey ni Julie Anne.

 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 13, 2024



Showbiz News

Matapos ang dalawang taon, babalik na rin sa wakas sa Pilipinas si Kris Aquino. Habang isinusulat namin ito, nag-post siya sa kanyang Instagram (IG) account ng emoji ng airplane, flag ng USA, at flag ng Pilipinas.


Sa caption ay sinabi ni Kris that she’s flying back home at nagbigay ng update tungkol sa kanyang kondisyon. 


“I choose to be 100% honest. I arrived in the (USA flag emoji) with 3 diagnosed autoimmune conditions, a 4th was confirmed in late June of 2022 (1. Autoimmune Thyroiditis 2. Chronic Spontaneous Urticaria 3. Churg Strauss/EGPA - a rare, complicated form of vasculitis 4. Systemic Sclerosis, and this 2024 I was diagnosed with 5. SLE/Lupus and 6. Rheumatoid Arthritis.) We are still waiting for the results of 2 more autoimmune conditions,” simula ni Kris.


Aniya, “I thank all of you for your prayers. MARAMING SALAMAT PO SA INYONG PATULOY NA MALASAKIT AT SUPORTA.”


Kasunod nito, sinabi ni Kris na umuwi siya dahil ngayon ay kailangan na niya ang suporta at encouragement ng kanyang mga kapatid dahil sisimulan na niya ang pangalawang chemotherapy niya.


Pahayag ni Kris, “The reason I decided to go home is because I need to start my second immunosuppressant infusion in 2-3 weeks (it’s a gentler term for chemotherapy). Emotionally, I need the encouragement and unwavering faith my sisters & cousins, closest friends, and trusted team of doctors can provide. 


“Sadly, what was the BATTLE TO IMPROVE MY HEALTH is now THE STRUGGLE TO PROTECT MY VITAL ORGANS. This is now the FIGHT OF MY LIFE.


“There are so many I wish to thank, our OC friends who became our adoptive family. The @flypal team, my 2 Fil-Am (Filipino American) close friends Dr. Henry & Dr. Titus, and MY Dr. MP, my 3 best friends @michaelleyva_, @lenalonte, and @annebinay (Kuya Josh is staying with ANNE for a few more weeks), my Fil-Am nurses (Mike, Cara, Patricia), and my source of strength, and God’s biggest blessing, my ‘BIMB’. They are flying home with me. A longer gratitude post when we get home.


“Bawal sumuko. Tuloy po ang #Laban,” pagtatapos ni Kris Aquino.



Ex-GF mo, Mavy, nasa tamang pamilya raw…

JACKIE, BOTONG-BOTO KAY KYLINE PARA KAY KOBE


Jackie Forster, Kobe Paras at Kyline Alcantara - Circulated

BOTONG-BOTO naman pala ang nanay ni Kobe Paras na si Jackie Forster kay Kyline Alcantara base sa pagpapalitan nila ng komento sa socmed (social media).


Ipinost ni Jackie sa kanyang Instagram (IG) account kahapon ang video ng pagrampa ni Kobe sa New York Fashion Week (NYFW).


Caption niya, “We are so ready for it! Kobe walking at #NYFW for @milarri_.”

Sa comment section, nag-react si Kyline Alcantara ng tatlong white heart emojis.


Nag-reply naman si Jackie ng “@itskylinealcantara Sky is the limit for you two!”

Kaya super-kilig na naman ang mga shippers nina Kobe at Kyline, especially ang mga fans ng aktres.


“Si miss @jackie_forster talaga, masarap maging mother-in-law,” komento ng isang netizen.

“@itskylinealcantara, masaya kami para sa ‘yo, nasa tamang pamilya ka na (heart emoji),” reaksiyon naman ng isa pa.


Matatandaang magkasama sa NYFW ang rumored couple at pareho silang rumampa sa runway.


Sa New York na rin nag-celebrate ng kanyang ika-22 kaarawan si Kyline, kasama pa rin siyempre si Kobe at ang ina ng aktres.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary Files | June 17, 2023



ree

Pinasalamatan ni LA Tenorio ang Kapamilya actor na si Zanjoe Marudo dahil sinamahan siya nito sa kanyang pagpapagamot sa sakit na cancer sa Singapore.


Panimula ni LA sa kanyang Instagram caption: “Halfway there... PRAY, HOPE AND DON’T WORRY.”


Dagdag pa niya, “Thank you, ‘tol @onlyzanjoemarudo and @markpatron for accompanying me and being there for me on this journey.


“Kahit alam ko na busy ang schedule n’yo, you guys still find time to be with me on this. Maraming salamat sa inyo, mga ‘tol! I am so blessed to have you guys as my friends/family. I will be forever grateful for this.”


Nagpasalamat din si LA sa kanyang mga kapwa Batangueños, “Maraming salamat sa aking mga kapwa Batangueños! #Batangueños #NSD #RoadtoRecovery #Laban.”


Isa si Gary Valenciano sa mga nag-iwan ng komento sa nasabing IG post ni LA, “Hang in there in faith and prayer, LA! God’s got you.”


Sinamahan ni Zanjoe ang kanyang idolo at kaibigan na si LA papuntang Singapore dahil doon magpapa-therapy ang basketball player para sa sakit na cancer.


Ang komento naman ng mga netizens sa pagpapagamot ni LA sa Singapore, “Mas malaki ba ang chance ng healing sa mga cancer patients ‘pag nagpagamot abroad? Siyempre, afford naman ni LA ‘yun. Father ko kasi sa ‘Pinas lang at talagang duduguin ka sa gastos.”


“Sponsored by San Miguel Corporation. Mabait ang big boss nila.”


“Chances are better kasi medical resources abroad are better/advanced compared dito sa ‘Pinas. Plus, not sure but sometimes doctors recommend/introduce to go and be part of a medical trial. Risky pero if it works, good for you.”


“Singapore has a very good medical system. I think mas malaki ang chance ng colon cancer patient na maka-recover in general.”


“Pagaling ka, LA! Fighting!”


“Mas modern abroad, mas up-to-date ang mga gamot na ‘di available rito. Mas magaling ang mga doctor. Si Kris Aquino nga, ‘di gumaling at bumagsak sa US. So, tama lang na mag-abroad si Tenorio kung may panggastos naman siya.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page