top of page

‘Di raw maganda ang ending nila nang magkasama sa movie… ANGELICA, UMAMING AYAW NANG MAKATRABAHO ULI SI ANGEL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | December 17, 2025



FRANKLY - ANGELICA, UMAMING AYAW NANG MAKATRABAHO ULI SI ANGEL_IG _iamangelicap & FB Angel Locsin

Photo: IG _iamangelicap & FB Angel Locsin



Finally ay ini-reveal na ni Angelica Panganiban kung ano ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay pinagsisisihan niya.


Sa grand mediacon ng pinagbibidahan niyang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 official entry, nabanggit ng aktres na ayaw na raw niyang maulit ang nangyari sa kanya noon na nagsisi siya sa pagtanggi sa isang magandang proyekto. 


Kaya naman, nang i-offer sa kanya ang MMFF entry this year, tinanggap niya agad ito.


“Nangyari na kasi sa akin ‘yun before, eh, na hanggang ngayon pinagsisisihan ko. So, ‘pag may maganda akong project na dumarating sa akin ngayon, ayokong palampasin,” sabi ni Angge.


Sa panayam sa aktres ni MJ Felipe para sa Cinema One, tinanong siya kung mayroon ba siyang pelikulang pinagsisisihan niyang hindi tinanggap.

Sagot ni Angge, “Meron, ‘yung Four Sisters…


Ang tinutukoy ng aktres ay ang Four Sisters And A Wedding (FSAAW) na ipinalabas noong 2013 at pinagbidahan nina Bea Alonzo, Angel Locsin, Toni Gonzaga at Shaina Magdayao. 


Sey ni Angelica, siya sana ang gaganap sa role na napunta kay Shaina sa nasabing pelikula.


Nang tanungin kung bakit hindi niya ito tinanggap, inamin niyang hindi raw naging maganda ang ending nila ni Angel Locsin nang gawin nila ang pelikulang One More Try (OMT) noong 2012.


“Kakatapos lang kasi naming gawin ‘yung One More Try. Hindi naging maganda ‘yung ending namin ni Angel noon, so nag-give way na lang ako,” paliwanag niya.


“Maging magkaibigan na lang tayo sa labas ng trabaho. ‘Wag na muna tayong mag-work ulit,” sey pa niya sa naramdaman niya kay Angel noong panahong iyon.

Hanggang ngayon nga raw ay hindi pa niya pinapanood ang naturang pelikula na matatandaang naging blockbuster hit at naging iconic pa ang mga dialogues ng mga bida.

“Bubog ko ‘yun,” sey pa ni Angge tungkol sa pelikula.


Well, ano kaya’ng nangyari sa kanilang dalawa at ayaw na niyang makatrabaho si Angel Locsin?


Bukas ang BULGAR sa pahayag ng aktres.



Naniniwala si Joross Gamboa na malapit nang magunaw ang mundo kaya naman lately ay naka-focus siya sa eschatology, ang theological study of the ‘end times’ at ang final destiny of humanity.


Sa kanyang panayam sa digital show ni Toni Gonzaga na Toni Talks (TT), sinabi niyang nagsimula raw siyang maging curious tungkol sa salvation noong 2023.

Matatandaan ding nitong Hunyo 2025 ay nagtapos ang aktor ng kursong AB Biblical Studies sa Global-Life University (GLU).


Sa naturang panayam ay tinanong siya ni Toni kung bakit siya fascinated sa end times.

“Naniniwala ako na malapit na ang end of the world. I mean, for example, nasaksihan ko noon ang simula ng pagkatuyo ng Euphrates River,” aniya.


Sagot naman ni Toni, “Ah, the signs because it’s written in the Bible. Before He comes, may mga mangyayari.”


Pagsang-ayon naman ng aktor, “Oo, mga prophecies.”

Dagdag pa niya, “‘Pag nanonood ka ng news, tapos nagbabasa ka ng Bible, nagiging aligned.”


Seryoso rin niyang pinag-aralan at inintindi ang Bible sa pamamagitan ng audio books.

“Siguro sa audio Bible, almost 4 times ko na itong pinakinggan from cover to cover. Pati ngayon, ang inaaral ko na ay ‘yung Greek version at saka Hebrew,” aniya.


Sa pagtatapos ng panayam ay sinabi ni Toni na wala na raw ang dating Joross.

“The old Joross is gone and the new has come,” ani Toni.


Noong Nobyembre ay nagpa-baptize sa tubig (water baptism) si Joross Gamboa kasama ang kanyang pamilya, publicly declaring their commitment to Jesus Christ.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page