top of page

Fans, ginulat… MORISSETTE, IKINASAL NA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 30, 2022
  • 1 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | January 30, 2022





'Love wins' ang ganap kina Morissette Amon at Dave Lamar dahil finally, officially Mr. & Mrs. Lamar na sila!


Nag-post kahapon ang Kapamilya singer ng wedding photos nila ni Dave sa kanyang Instagram account at inulan ito ng congratulations mula sa mga kaibigan nila sa showbiz at mga fans.


Nu'ng Biyernes (January 28) pala ikinasal sina Morissette at Dave sa The Old Grove Farmstead sa Lipa, Batangas at ang details ng wedding ay mapapanood sa vlog ng singer.


Hindi man man-to-man o girl-to-girl ang relasyon nina Mori at Dave, masasabing 'love wins' dahil ipinaglaban nila ang kanilang pagmamahalan kesehodang todo-tutol noon ang pamilya ng singer, lalo na ang tatay nito, sa kanyang boyfriend.


Hindi lang kami sure kung sa ngayon ay tanggap na ang mister ni Morissette ng kanyang pamilya, at 'yan ang gusto naming malaman sa vlog ng biriterang singer.


Anyway, congrats kina Morissette at Dave, now Mr. & Mrs. Lamar!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page