top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Fans, ayaw paaasahin… PRAMIS NI ALDEN: 'DI KAMI MATUTULAD NI KATHRYN SA ALDUB

Writer: BULGAR
BULGAR
May 24, 2024
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 24, 2024



Showbiz Photo
File photo: FB Circulation - AlDub / IG

Tinitiyak ni Pambansang Bae Alden Richards na ang tambalang KathDen ay hindi matutulad sa tandem nila noon ni Maine Mendoza na sumikat bilang AlDub.


Hindi sila magkukunwari na may relasyon na sila ni Kathryn Bernardo para lang matuwa at kiligin ang mga fans.


Hindi nila pipilitin kung hindi naman totoo ang relasyong nakikita sa kanila sa telebisyon at pelikula. 


Ang gusto nina Alden at Kathryn, maging pribado ang kanilang personal na relasyon sa isa't isa. Hindi naman nagmamadali si Alden Richards sa kanyang panunuyo kay Kath.


Okey na sa kanila na magsimula muna bilang magkaibigan at maging komportable sa isa't isa.


Ayaw nilang dayain ang kanilang mga fans. May leksiyon na natutunan si Alden Richards sa nangyari sa AlDub. Hindi matanggap ng kanilang mga fans na hindi sila nagkatuluyan ni Maine Mendoza at sa halip ay kay Arjo Atayde nagpakasal si Yaya Dub.


At hanggang ngayon, marami pa ring AlDub fans ang hindi pa ganap na maka-move on sa pagkabuwag ng kanilang iniidolong love team. Hindi nila matanggap ang katotohanan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page