top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Fans, affected much… JULIE ANNE, TSINUGI NA SA MARIA CLARA AT IBARRA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 12, 2023
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 12, 2023




Namaalam na ang well-loved character ni Julie Anne San Jose sa Maria Clara at Ibarra na si Clarita or Maria Clara sa latest episode ng nasabing hit teleserye ng GMA-7.


Labis itong ikinalungkot ng mga avid viewers ng teleserye na umaasang magkakaroon ng happy ending si Maria Clara, but in the end, sinunod pa rin ang original ending ng nobela ni Dr. Jose Rizal, although may mga binago rin silang eksena.


Matapos ang pag-ere ng death scene ni Julie Anne ay nag-post ang aktres ng touching letter sa kanyang Instagram page at labis ang kanyang pasasalamat sa buong pamunuan ng GMA-7 at ng production team sa pagbibigay sa kanya ng napakalaking oportunidad na ito.


“Isang napakalaking karangalan na mapabilang sa programang #MariaClaraAtIbarra. Maraming salamat sa @gmanetwork at @sparklegmaartistcenter sa tiwala at pagkakataon na mabigyang buhay ko si Maria Clara,” simula ng kanyang post.


“Maraming salamat kay @zigcarlo sa paggabay sa bawat eksena, sa aking mga kasamang aktor na tunay na mahuhusay, sa mga manunulat na malikhain, at sa buong produksiyon ng proyekto na naging kaibigan at pamilya ko na.


“Higit sa lahat, maraming salamat sa inyo gabi-gabi, nakakataba ng puso ang inyong pagsuporta at pagmamahal sa programang ito,” aniya.


Ayon kay Julie Anne ay mas minahal niya ang kanyang propesyon dahil sa serye na itinuturing niyang isang obra.


“Mas minahal ko ang aking larangan bilang artista sapagkat kami ay naging instrumento upang maipakita namin ang makulay at maalab nating kasaysayan.


“Para sa akin, isang obrang maituturing ang aming palabas. Ito ay siguradong kapupulutan ng aral, na maipamamana sa mga susunod pang henerasyon.


“Matapos man ang palabas na ito, ang kultura at kasaysayan natin ay habambuhay na nakatatak sa ating mga puso’t isipan. Ito ang nagpapaalala sa ating mga karapatan bilang tao, at sa ngalan pag-ibig – sa sarili, sa kapwa, at maging sa bayan – tayo ay lumalaban at patuloy na lalaban,” pahayag niya.


Signing off as Maria Clara, aniya, “Hanggang sa muli, ito po ang inyong Maria Clara delos Santos Y Alba, isang maalab na pagpupugay sa kasaysayan ng Pilipinas, salud.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page