top of page
LET’S SEE - AGOT, BIANCA, DINGDONG ATBP. ATENISTA, TAMEME SA KAHIHIYAN NG ATENEO SA PAGKAM

Fan ng Kapamilya actor… DINGDONG, GUSTONG MAKILALA SI COCO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 9, 2023
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | February 9, 2023




Sa Lunes na, February 13, ang pilot episode ng FPJ's Batang Quiapo, ang another action serye ng Primetime King na si Coco Martin.


Talagang pinaghandaan ng buong production staff ang bagong project na ito ni Coco.


Nag-pilot screening last February 7 ang Batang Quiapo sa Trinoma kung saan dinagsa ito ng mga fans ng Ang Probinsyano.


Nandu’n din ang mga dating kasamahan ni Coco sa AP sa pangunguna nina Sharon Cuneta, Ara Mina, Angel Aquino, Angeline Quinto at iba pa. Full support sila sa actor-director sa bago nitong action serye.


Mapapabilib ka sa unang episode pa lang ng Batang Quiapo na ipinapanood sa press people ng Dreamscape Entertainment. Para kang nanonood ng action movie.


Napakabilis ng phasing sa aksiyon na kahit napakahaba nģ action scene ay hindi nakakabagot panoorin dahil makapigil-hininga ito.


Ang mga direktor na naroroon ay nasaksihan kung paano idinirek nina Coco at Direk Malu Sevilla ang mga eksena sa pagitan ng napakaraming tao sa Quiapo.


Isa pa, ang Batang Quiapo ay malayung-malayo sa pelikula ng the late Action King na si Fernando Poe, Jr. at ni Maricel Soriano.


Ayon kay Direk Coco, kumuha lang siya ng idea sa movie pero ang konsepto ay sa kanya.


Pinag-aralan daw niya ang mga tao sa Quiapo. In short, ang buhay sa Quiapo ang tumakbo sa isip ni Coco.


Ang daming cast ng Batang Quiapo na binigyan ni Coco ng pagkakataon na maging artista, tulad na lang ng mga vloggers at influencers sa social media.


Pawang nakakataba nga ng puso ang mga sagot ng mga ito sa opportunity na ibinigay ng aktor sa kanila.


Ayon sa aktor-direktor, bago raw niya kinuha ang mga vloggers/influencers ay pinanood muna niya ang mga content ng mga ito sa YouTube, like si Toni Fowler na sikat na social media influencer.


Maging ang ibang rappers na ipinahanap ni Coco na sina Basilio at Smoglazz ay tiwala, professionalism at kabaitan lang ang sinabi niyang puhunan para masama sa kanyang proyekto.


Sabi nga ni Coco, "Dati, pito kayong rappers na nasa AP, pero ngayon, dalawa na lang kayong natitira."


Ang mga lead stars na sina Cherry Pie Picache, John Estrada, Tommy Abuel, Irma Adlawan, Charo Santos-Concio at Christopher de Leon ay sobra rin ang paghanga kay Coco. Bilib sila kung papaano magdirek ang aktor.


Wala raw silang script na binabasa unlike noon na sasauluhin ang linyang sasabihin and vice-versa.


Sabi nga ni John Estrada, "Once na nakasalang ka na sa camera, dapat alam mo na kung ano ang role. Eh, kasi kami noon, nasanay na may script na binabasa. Pero si Direk Coco, iba ang style niya, which is good naman dahil kumbaga, bagong experience ‘yun as an actor.


‘Yung bahala ka kung paano mo dadalhin ang character mo.”


Nabanggit pa ni John si Dingdong Dantes.


Ani John, "Sabi nga ni Dingdong Dantes, gusto raw niyang ma-meet ang isang Coco Martin.


Marami raw kasi siyang naririnig na magagandang salita patungkol sa actor.”


Sa mga naririnig, nakayuko lang si Coco at nangingiti sa magagandang salita para sa kanya ng kanyang mga co-stars.


‘Nga pala, hindi matatawaran ang akting ni Miles Ocampo bilang si Maritess nang reypin siya ni Coco lalo nang manganak na siya sa palengke na walang tumutulong.


Sabi nga ni Miles, "It's time naman po for the maturity role."


Sabagay, totoo naman, pero hindi namin inaasahan na ganu’n siya kagaling sa eksenang ‘yun.


Kaya clap, clap, clap kami kay Miles.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page