Fan na fan ang dating… LIZA, HANGGANG PAPIKTYUR LANG SA MGA SIKAT NA KOREAN STARS
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 7, 2022

Sa Instagram ni Liza Soberano, may posted photo siyang kasama si Nancy McDonie at nilagyan niya ito ng caption na: "Korea dump pt. 2"
Pinaghambing ng mga netizens ang larawan ng dalawang female celebrities na parehong may kaugnayan kay James Reid.
Si Liza ay bagong talent ng Careless Management na pag-aari ni James, while Nancy is a friend naman umano ng Fil-Am actor.
Ani netizens…"Oops. Mas maganda pala si Nancy 'pag magkatabi sila."
"True. Mas nagagandahan din ako kay Nancy. Liza is the overrated. Mas maganda siya talaga 'pag total makeup."
"On the contrary, maputi lang si Nancy, pero hindi ganu'n ka-pretty."
May mga nanghihinayang naman sa showbiz career ng dating alaga ni Ogie Diaz.
"Clout chaser na ang peg ni Liza. Sayang naman siya, kween (queen) status na siya rito, eh."
"That’s the management style of Careless, coat hangers with social media celebrities and has been Korean artists, then post it in all their social media accounts then Filipino faneys and Marites will comment/reply."
"Oo nga, dati, puro sponsored posts from big brands laman ng IG niya, ngayon, puro desperate selfies with random influencers and K-pop has-beens na for sure hanggang “story” lang if noon 'yan nangyari, lol."
"Yes, her beauty talaga, panalo rito. But she was famous because of her love team. Sayang, kasi sana nag-explore siya on her own nu'ng okay pa ang career niya here. Kaya ayan tuloy, parang lahat ng puwede niyang dikitan na artista abroad, gagawin niya."
"Mukhang ate si Liza, haggard si Ate Liza."
"Mas matanda naman talaga siya kay Nancy kaya "unnie" nga ang tawag sa kanya ni Nancy. So, pa'no?"
"Kinarir ang pag-tail gate sa mga D-List “international” celebrities."
"Lagi na nga siyang haggard. Sana, magdala siya ng press powder lagi."
May nagsabi pang nagmukha raw fan si Liza kay Nancy.
Naaliw naman kami sa komento ng isang netizen para kay James, "So 'yan ang mga projects na nakuha ni James, magpa-picture."
Hahaha!





Comments