top of page

Family picture nila ng mga anak kasama ang abogado, viral… KRIS, NAKA-4 NA LALAKI NA MULA NANG MAGKASAKIT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 days ago
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | April 21, 2026



Kris Aquino

Photo: Kris Aquino / IG



Just right after ng pa-reveal ni Kris Aquino sa pumapag-ibig na anak niyang si Bimby Aquino, hindi rin siya nagpahuli sa pa-hard launch ng sarili niyang love life.

Inlabey ulit si Kris!


Nagulat ang mga netizens sa isang post sa Instagram (IG) account ni Gideon Peña, a long-time friend and suitor ni Kris.


Naka-post sa IG Story at news feed ni Atty. Gideon ang picture nila ni Kris kasama sina Joshua at Bimby. Parang family picture ang dating.


Nagbigay din ng hint si Atty. Gideon kung para saan ang mala-family picture nila ni Kris with her children.


“Thank you for saying yes to iCare,” post ni Atty. Gideon sa loob ng picture sa kanyang IG Story.


While sa IG post niya, ito ang caption ni Atty. Gideon, “Soon.”


Tila may pa-double meaning ang post ni Atty. Gideon. Puwedeng nag-yes si Kris sa kanya para sa health insurance and at the same time, sinagot na siya ng nanay nina Josh at Bimby bilang bagong boyfriend.


Sa thread kasi ng usapan ng mga netizens sa IG post, naispatan agad nila ang suot na singsing ni Kris sa kanyang daliri na nakapatong sa balikat ni Josh.

Sey ng mga netizens:


“Wait, I see something. Or baka feeling ko lang. Happy family sila.”

“I saw it too. Ang bilis ng mata natin.”


“Pero whatever it is, ‘wag na siguro nating pangunahan. Let’s just pray for happiness and love.”

“Hahaha! Ganu’n din nakita ko.”

“Aww, I’m so happy to see this.”


Marami ang natuwa na nakitang kasama ulit ni Kris si Atty. Gideon.

Komento ng mga fans…


“Long time no see, Atty. Gideon. Hello Ms. Kris. So happy you’re now in good shape.”

“Finally nag-post ng bago si Atty. Parang gusto kong kumain ng hopia.”

“Good to see you with the Aquinos.”

“Atty., I miss you with them, and excited sa soon mo.”

“Happy to see you again with KCA and the kids.”

“Glad you’re back, Atty. Gid.”


“I salute you, Atty., very loyal to Kris and Josh and Bimby.”


So, si Atty. Gideon na nga ba ang ika-apat na lalaki sa buhay ni Kris simula nang magkasakit siya?


Iba talaga si Kris Aquino. Siya lang ang nabalita na naka-apat pang boyfriends sa kabila ng malubhang karamdaman na pinagdaraanan niya.


Kailangan pa bang isa-isahin ang apat na nakarelasyon niya? Knows n’yo na ‘yan!





ROBI AT MAIQUI, BOY ANG FIRST BABY



IPINASILIP ng celebrity couple na sina Robi Domingo at Maiqui Pineda sa mga netizens ang naganap na baby shower nila.


Ipinost nila ang series of photos sa baby shower na dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.


Caption ni Maiqui, “Our baby is already so so loved. Sharing all the hugs, laughs, and sweet moments from this day. Thank you to my friends who planned it all and to everyone who came to celebrate with us.”


Mabilis na nag-react ang kanilang mga faney sa comment section.

“Congratulations. Parenthood is indeed quite an adventure.”

“Congratulations to you and family.”


Boy ang magiging first baby nina Robi at Maiqui at ninong at ninang ang ilang celebrities na close sa kanila tulad nina Piolo Pascual, Donny Pangilinan, Kyle Echarri at marami pang iba.


Congrats, Robi and Maiqui!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page