‘False positive’, malaking perhusiyo sa mga biktima
ni Ka Ambo - @Bistado | May 31, 2021
Tumakbo na tungong US si Sharon Cuneta.
Baka doon siya kakandidato?
◘◘◘
NAG-FALSE positive si Sharon sa COVID test.
Kaylaking perhuwisyo ang kanyang sinapit niya.
Nasayang ang kontrata sa Holywood!
◘◘◘
MARAMING nagrereklamo sa false positive.
Pasyente lang ang positive, pero negatibo sa COVID ang buong pamilya.
Naperhuwisyo sila ng 14-days quarantine, stress at pandidiri ng mga kapitbahay!
◘◘◘
SA inilalabas na datos ng DOH, araw-araw ay kasama mismo ang false positive at maging ang mga asymptomatic.
Hindi ito repleksiyon ng pandemic.
Repleksiyon ng kahinaan ng kukote ng mga pumoposturang awtoridad!
◘◘◘
ANG pagdami ng bilang ng nagkaka-COVID ngayon ay hindi repleksiyon ng pandemic sa buong bansa.
Aminado ang awtoridad na papaliit na ang bilang ng nagkaka-COVID sa Metro Manila.
Hindi ito ipinapaliwanag nang maayos sa taumbayan!
◘◘◘
DAPAT lumikha ng task force na magba-validate ng datos.
Dapat ding i-audit agad ang transaksiyon sa mga ospital.
Maraming maysakit at namatay na minamarkahan ng “COVID” kahit hindi naman!
◘◘◘
ANG sertipikasyon sa pagkakaroon ng COVID ay madaling imanipula.
Nagkakamal ng salapi ang mga may-ari ng pribadong ospital.
Hindi naman nagbibigay na dagdag-suweldo ang mga may-ari sa mga personnel na nanganganib ang buhay!
◘◘◘
ANG isa pang raket sa mga ospital ay ang pagso-solicit ng “share” sa mga itinatayong ospital.
Hindi pa gawa ang ospital, pero nagso-solicit sila ng sosyo sa mga doktor at kaawa-awang financers.
Dapat itong imbestigahan ng SEC at DOH!
◘◘◘
WALA nang susulingan at maglalaho na ang COVID.
Pero, ang mga walang hiyang manipulators, tinatangka pa ring palalain ang problema gamit ang kaduda-dudang datos!
◘◘◘
GUMIGIRE na ang mga pulitikong pulpol.
Binabawasan na ang mga dinambong na COVID fund!
◘◘◘
NAKAPOKUS na sa social media ang political campaign sa 2022.
Ano’ng social media?
◘◘◘
DIGITAL convergence ang tawag sa telekomunikasyon ngayon.
Walang ganap na nakauunawa nito!
◘◘◘
ANG tao ay nalipasan at napag-iwanan na ng modernisasyon at teknolohiya.
Kung hindi nagka-COVID, lalong hindi makasasabay ang sibilisasyon sa nagbabagong mundo!





Comments