top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Fake news ni Gadon na HIV ang ikinamatay ni ex-P-Noy, sablay!

BULGAR
Jun 27, 2021
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 27, 2021


KULANG NA LANG SABIHIN NI DOC ADAM NA SOBRANG BAD NG UGALI NG MGA DDS—Maging ang sikat na Australian doctor at YouTuber na si Doc Adam ay hindi napigilang mag-react sa pagbubunyi at masasamang komentong binitawan ng mga DDS laban sa namayapang si ex-P-Noy, dahil aniya ay maling bina-bash pa ang taong namayapa na.


Kulang na lang sabihin ni Doc Adam na sobrang bad ng ugali ng mga DDS, boom!


◘◘◘


FAKE NEWS NI GADON NA HIV ANG IKINAMATAY NI EX-P-NOY, SABLAY—Ikinagalit ng publiko nang gawing katatawanan ni DDS Lawyer Larry Gadon ang pagkamatay ni ex-P-Noy nang mag-fake news siya at sabihing HIV (human immunodeficiency virus) ang ikinamatay ng dating pangulo.


Sa fake news niyang ito ay mukhang mamalasin si Atty. Gadon kasi matapos mag-viral ang #DisbarGadon ay desidido ang grupong “White Castle”, asosasyon ng mga HIV victims na magsampa ng kasong kriminal at ipa-disbar siya sa Supreme Court (SC), period!


◘◘◘


KAKANDIDATO NA KAYANG VP SI P-DUTERTE KASI BINABATIKOS NA NIYA SI REP. ROMUALDEZ NA KINUKUMBINSE NIYANG MAG-VP—Binalaan ni P-Duterte si Leyte Rep. Martin Romualdez na kung may pinaplano itong pamunuan ang pagkudeta kay Speaker Lord Allan Velasco ay huwag na ituloy kasi hindi niya papayagang mapatalsik ang kasalukuyang House Speaker.


Sa tema ng salita ni P-Duterte, ay tila kakandidato na ito sa pagka-VP kasi ang dati niyang pinupuri na si Romualdez, na pinangakuan pa niyang susuportahan kapag kumandidatong VP ay binabatikos na niya ngayon, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page