Search
  • BULGAR

Fake news na bad sa health ang Sinovac, lubayan!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 2, 2021



HUWAG GAWAN NG FAKE NEWS NA BAD SA HEALTH ANG SINOVAC—Nasa bansa na ang Sinovac at sana ay tantanan na ng ilang netizens ang pagpo-post at pagko-comment sa social media na delikado ito sa health kasi sa totoong lang ay ligtas itong gamitin.


Dalawa lang naman ang naging isyu sa bansa ng Sinovac — ang 50% efficacy nito at ‘yung nabulilyasong overpriced.


Tantanan na ang fake news na bad sa health ang Sinovac upang mahimok ang mga kababayan nating magpaturok, period!


◘◘◘


HIGIT P2 TRILYON ANG INUTANG SA PANAHON NG PANDEMYA, TAPOS ANG DUMATING BAKUNA AY MADE IN CHINA—Fake news ang ibinibida ni Presidential spokesman Harry Roque na nagbunyi ang sambayanang Pinoy sa pagdating sa bansa ng Sinovac.


Kaya natin nasabing fake news kasi mas marami ang bumatikos sa Duterte gov’t. kaysa sa natuwa sa pagdating ng Sinovac kasi mahigit P2 trilyon na ang inutang ng pamahalaan sa World Bank (WB), International Monetary Fund (IMF) at sa ibang bansa para budget daw ng gobyerno sa laban kontra COVID-19 at pambili ng bakuna, tapos bakunang gawang China ang dumating sa bansa, at ang masaklap ay hindi pala ito binili, kundi donasyon lang umano ng China sa Pilipinas, boom!


◘◘◘


MAS GUSTO NG MGA PINOY ANG MGA BAKUNANG GAWANG AMERIKA AT EUROPE KAYSA SA GAWANG CHINA—Bukod sa AstraZeneca, gusto rin ng mayoryang Pinoy na ipanturok sa kanila ang mga gawang Amerika na Pfizer, Moderna at Johnson and Johnson, kaysa sa mga gawang China na Sinovac at Sinopharm.


Sa isyung ito, dapat tanggapin na ng Duterte gov’t. ang katotohanan na mas gusto ng mga Pinoy ang mga bakunang gawang ‘Tate at Europe kaysa gawang China, boom!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.