top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Fake news lang… KALAT NA: YASSI, IKINASAL SA CANADA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 7, 2022
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | November 7, 2022



Hindi totoong nagpakasal na sa Canada si Yassi Pressman sa kanyang BF na si Jon Semira na isang businessman.


Kumalat ito sa social media pero hindi lumikha ng ingay dahil fake news ito. Hindi puwedeng pagsabayin ni Yassi ang kanyang career at ang pagpapakasal sa kanyang BF ngayon.


Ang good news sa career ni Yassi ngayon ay ang kanyang pagbabalik sa GMA Network.


Lalabas siya sa isang serye na adaptation ng Viva movie na Saan Nagtatago ang Pag-ibig? Ito ang pelikulang pinagbidahan noon ng Star for All Seasons na si Vilma Santos. Sa TV version nito ay sina Ken Chan at Marco Gumabao ang makakapareha ni Yassi Pressman.


Naging bahagi si Yassi ng Ang Probinsyano bago nag-host ng game show sa TV5, ang Rolling In It. Sa kanyang pagbabalik sa GMA-7 ay seryosong pagganap ang kanyang gagawin.


Well, it seems wala namang kontrata si Yassi sa Dos at sa TV5 kaya natanggap niya ang offer ng GMA. For sure, magkikita rin silang muli ng kanyang ex-BF na si Sef Cadayona dahil nasa iisa na silang network ngayon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page