top of page

Fajardo sa ika-10 PBA Best Player of the Conference 

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | January 29, 2026



Hindi nagpasindak si Ginebra San Miguel point guard Rj Abarrientos bagkus harapan nitong tumirada ng pag basket sa harap ng depensa ni June Mar Fajardo ng San Miguel Beermen

Photo: Itinaas ni SMB center June Mar Fajardo ang plake bilang Best Player of the Conference ng PBA Philippine Cup nang igawad sa kanya nina SMB Governor Robert Non (kaliwa), Rachelle Sale, PBA Commissioner Willie Marcial at Alfrancis Chua halftime ng PBA game.



Laro ngayong Biyernes - Ynares Antipolo

7:30 PM TNT vs. SMB


Pormal na kinoronahan si June Mar Fajardo ng San Miguel Beermen na 2025-26 PBA Philippine Cup Best Player of the Conference kahapon sa MOA Arena. Ito na ang kanyang pangkalahatang ika-13 at ika-10 sa itinuturing na pinakaprestihiyoso sa tatlong torneo ng liga.


Hindi naging mahigpit ang karera. Napakalayo na nalikom na numero ni JMF kumpara sa mga humahabol na sina Calvin Abueva ng Titan Ultra, Juan Gomez de Liano at Justine Baltazar ng Converge at Zavier Lucero ng Magnolia.


Dagdag dito, lahat ng ibang nominado ay bigong makapasok sa semifinals. Ang pangalawa na si Abueva ay hindi nakalampas ng elimination. Kasama rin sa pagpili ang mga boto ng PBA Press Corps. May boto rin ang mga kapwa manlalaro.


Nasundan ni JMF ang kanyang BPC sa 2025 Philippine Cup noong Hulyo. Huling matagumpay na nakamit niya ang magkasunod na tropeo noong 2017-18 Philippine at Commissioner's Cup subalit nabigo na maitala ang bihirang "Grand Slam" nang mapunta kay Paul Lee ng Magnolia ang Governors' Cup.


Mula kanyang unang BPC sa 2013-14 Philippine Cup ay nagwagi ng anim na sunod sa nasabing torneo si JMF. Naputol lang ito nina Stanley Pringle ng Barangay Ginebra noong 2020 at Abueva ng Magnolia noong 2021 pero nakabawi si JMF at apat na sunod na ang tropeo.


Ang iba pang BPC niyan ay dumating noong 2015 at 2024 Governors' at 2018 Commissioner's Cup na may mga import. Subalit nakatutok pa rin si JMF na maghatid ng isa pang kampeonato sa Beermen bago isipin ang indibidwal na karangalan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page