top of page

Kasama ang GF na si Chloe… CARLOS, NAKIPAG-BONDING NA SA MGA KAPATID

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 8 minutes ago
  • 2 min read

ni Lucille Galon @Special Article | January 25, 2026



Carlos, Eldrew Yulo

Photo: File / Carlos Edriel Yulo - fb



Matapos ang matitinding intriga at usap-usapang ibinato sa kanya noong 2024, muling pinasaya ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo ang kanyang mga tagahanga nang ibahagi niya ang isang moment na matagal nang hinihintay ng marami — ang muling pagsasama-sama nila ng kanyang mga kapatid.


Kahapon (January 24) ay nag-post si Carlos sa kanyang Facebook (FB) account ng serye ng candid photos mula sa kanilang theme park outing sa Laguna, kung saan makikitang kasama niya ang kanyang mga kapatid na sina Jorielgel, Eldrew at Elaiza. 


Kasama rin sa masayang bonding ang kanilang mga mahal sa buhay tulad ng girlfriend ni Carlos na si Chloe San Jose, girlfriend naman ni Eldrew na si Francine Murillo, atbp..

Bukod sa simpleng get-together, naging birthday celebration din ito ni Eldrew Yulo, na unti-unti na ring gumagawa ng pangalan sa international gymnastics scene.


Caption ni Carlos, “Maraming salamat po Enchanted Kingdom sa mainit na pagtanggap, pag-aalaga sa amin at sa memories na dadalhin namin pauwi! Sobra po kaming nag-enjoy (hand heart & rollercoaster emoji).”


Hindi nagtagal, ini-repost din ng kanyang mga kapatid ang mga larawan sa kani-kanilang social media accounts, na lalong ikinatuwa ng mga netizens.

Marami ang naantig sa reunion ng magkakapatid, lalo na’t sariwa pa sa alaala ng publiko ang mga naging isyu nina Carlos at Chloe sa pamilya ng atleta, pati na rin ang tensiyon umano sa kanyang mga magulang noong nakaraang taon.


Umani ng papuri at emosyonal na reaksiyon ang post mula sa mga netizens:

“Naiyak ako sa tuwa sa mga pics na ito. Ang ganda tingnan (love emoji).”

“Very happy to see them together… God bless you, Carlos Yulo, our Golden Boy and to your family as well! Happy Birthday, Eldrew!”  


“Nakaka-proud, okey na silang magkakapatid. Masaya ang puso ko ‘pag ang magkakapatid ay sama-sama…”


Sa kabila ng mga pinagdaanang pagsubok ng pamilya, patuloy pa ring ipinapakita ni Carlos Yulo ang kanyang suporta sa mga kapatid lalo na kay Eldrew, na itinuturing na isa sa mga susunod na aabangang aangat sa mundo ng gymnastics.

Patunay lang na sa kabila ng lahat, pamilya pa rin ang panalo. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page