Eala pinasuko si Charaeva, umusad sa 2nd round ng Womens Open
- BULGAR

- 3 hours ago
- 1 min read
ni Nympha Miano-Ang @Sports | Jan. 27, 2026

Photo: Ang natural na reaksiyon ni Alex Eala matapos nitong mapagtagumpayan ang laban kontra Alina Charaeva ng Russia sa Philippine Womens Open 125 sa RMSC. (Reymundo Nillama)
Dominante agad ang simula ni Alex Eala sa kanyang kampanya sa WTA 125 Phil. Women's Open nang pahiyain niya si Alina Charaeva ng Russia,6-1, 6-2 sa harap ng napunong crowd ang tennis court Lunes ng gabi sa Rizal Memorial Sports Center para ganap na makausad sa 2nd round ng torneo.
Napakamakasaysayan ang home debut game na ito ng 20-anyos na si Eala na agad pinasuko ang world no. 142 na si Charaeva na ikinatuwa ng Pinoy fans.
Unang napagwagian ni Charaeva ang dalawang laro sa second set bago nakopo ni Eala ang 3rd game. Makapigil-hininga ang 4th game dahil kailangan ni Eala ang medical timeout upang balutin ang kanyang kaliwang hita.
Makakasagupa ni Eala ang magwawagi sa first round match sa pagitan nina Hibino Mao at Sukitsume Himano.








Comments