Fajardo, dalawang laro na lang sa Gilas Pilipinas, retired na sa nat'l team
- BULGAR

- 2 minutes ago
- 1 min read
by MC @Sports News | August 26, 2026

Photo: File / Reymundo Nillama
Matapos lamang ang susunod na dalawang laro sa national team, ibibigay na ni June Mar 'Abai' Fajardo sa mas nakababatang mga players sa Gilas Pilipinas ang pagkakataon dahil magreretiro na ito sa pambansang koponan.
Ang kanyang impluwensiya sa pambansang koponan ay nakaukit na sa kasaysayan. Matapos ang 68 laro at mahigit isang dekada ng paglilingkod sa bandila at bilang miyembro ng Gilas Pilipinas, maaaring tatapusin na ng 6-foot-11 na si Fajardo ang karera sa Gilas dahil ang FIBA World Cup Asian Qualifiers Window 4 ay magiging huling dalawang laro na niya.
Binanggit ni Fajardo na nagkakaedad na siya at inaalala niya ang kanyang kalusugan kaya ito ang rason sa kanyang desisyon, sinabing gusto pa rin niyang tamasahin ang natitirang bahagi ng kanyang karera sa paglalaro sa PBA pero hindi na sa paglalaro sa ibang bansa dahil maaaring makaapekto sa kanyang katawan at umikli ang oras sa court.
"Siyempre, isang karangalan ang maglaro para sa pambansang koponan. Napakapalad ko na maging bahagi nito. Hindi naging mahirap para sa akin na maging bahagi ng koponan," sabi ni Fajardo sa press conference noong Lunes.
“Pag wala na ako sa PBA, nasa bukid na ako,” iyan naman ang unang naging pahayag ni Fajardo sa 3-Point Challenge sa Paolo Roxas noong Marso 23, 2025 na lumabas sa Capiz Times.





Comments